Chiara
I need to breath. After ng brief encounter namin ni dad kagabi, ayaw kong tumigil sa bahay. I wanted to avoid him as much as possible. At isa lang naman ang pwede kong puntahan dito sa Santa Isabel for now, ang Jung Farms.
I may look so shameless after what happened yesterday, pero gusto kong mag observe sa farm. Bagamat I know the farm well, not on a business view. The farm was my second home.
Hindi ko alam kung saan nakuha ni Dad ang financial reports ng farm nila Inigo for him to know the crisis they had, pero surely, may nagttraydor kay Inigo sa loob kaya nakakalula ang mga naging offer ni Dad sa kanya. For whatever reasons, Inigo never gave in. If their financial reports were leaked, ibig sabihin, mataas ang pwesto ng tao na nagbibigay ng info nina Inigo kay dad. I wonder who.
I spend half of my day going around our own farm. Nalungkot ako ng makita ko na halos ang mga pamilyar na tanim na puno sa paligid ko ay wala na. Patag na halos lahat, preparing the land for the hotel resort. May breeding ground pa rin kami for cattles, pero very limited na. Inuubos na lang.
All our employees were promised to be absorb on our hotel resort. May mga tutol. May sang ayon. At the end of the day, they have no choice but to agree with dad's decisions.
Ate Yejin's offered to negotiate with Inigo is a spur of the moment decision. Wala pa rin akong pinagbago, padalos dalos pa rin ako kaya nandito ako ngayon.
I wanted to cut my ties with dad. Permanently. He's been calling me in Korea bothering me from time to time and I can't get my peace. Hindi ko alam kung kaya ko pang makipag reconcile sa kanya.
Matigas ako. Yes. At hindi ko alam if kaya ko siyang patawarin. Dahil paulit ulit ko lang naaalala ang ginawa niya kay mom. Sa pamilya namin.
Una, para sa mana at kalayaan ko.
Then ate Yejin send me those details regarding the farm.
It was worrisome.
Inigo wanted to keep the farm I understand, pero baka in the long run mawala din yun sa kanya. I hope I can help him in a little way. I am building drafts for my initial proposal na hindi siya malulugi, and at the same time, hindi mawawalan ng trabaho ang mga tao sa farm.
Galit lang siya. Not thinking rationally. But if I explain things to him pag pareho na kaming kalmado, I hope he would understand.
Dumating ako sa bahay ni Inigo na si Manang Letty lang ang nadatnan ko. Doon ako dumiretso dahil hindi din kami nagkausap ng maayos kahapon.
"Good afternoon po Manang Letty."
Nagulat si Manang Letty sa pagdating ko.
"Chiara, bumalik ka. Si Inigo ba?" Tumango ako ng marahan. "Sandali nak, tatawag lang ako kay Mae."
Mae?
Mind reader ata si Manang. Nabasa yung mukha ko.
"Sekretarya ni Inigo." Napa - oh na lang ako bilang tugon. Umupo ako sa couch at hinintay si Manang.
"Naku Chiara, nasa manggahan pa si Inigo. Hindi na pumasok. Gusto mo ba dun mo na lang puntahan? Dun pa kasi yun kanina pang umaga." Paliwanag ni Manang sa akin.
Nananadya ka ba Inigo? He must be expecting me to come. Sa manggahan pa talaga. Sinipat ko ang suot kong sandals. Chiara, wag ka ng magheels next time.
"Hintayin mo na lang ng konti, baka pauwi na din yun. Ala una kasi ang pick up ng mga mangga, baka alas dos nadito na yun."
Nakipagkwentuhan ako kay manang para magpalipas ng oras.
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...