Chiara
"Sigurado ka ba talaga na gusto mong umuwi ng Pilipinas Chiara? You looked so spaced out." Tanong ni Charles sa akin. Tinutulungan niya akong mag impake ng mga gamit ko. Tumigil na ako sa pag aayos at hinayaan ko na lang siyang mag isa.
Sumandal ako sa headboard, browsing on my phone. Tumigil siya sa pag aayos at tumabi sa akin.
"Hon, dalawang araw na lang. One day you are decided, and one day you aren't. Ano ba talagang gusto mong gawin?" Iritableng tanong niya sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Kasi kahit ako litong lito na sa push and pull ng utak ko.
Hindi ko sinabi kay ate na pumapayag na ako sa deal. Buti nalang hindi pa. Kasi eto ako, nagdadalawang isip na naman.
Isinandal ko ang ulo ko kay Charles at hindi nagsalita.
"Mas lalo akong nacoconvince na may ayaw kang balikan sa Pilipinas. Am I right Chiara?" Tanong muli niya saken. Hindi pa rin ako sumagot.
"An ex?" Kulit pa niya.
"Alam mo, masyado kang overthink. Hindi ba pwedeng concern lang ako sa maiiwan ko dito, sa JCA, sayo? Ngayon lang kita maiiwan ng ganito kahaba Charles, 3 months." Litanya ko sa kanya. Umangat ang likod niya sa pagkakasandal at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Then make up your mind and heart if I will pack your things or not. Kasi kung hindi ka pa decided, matutulog na ako." Binitawan niya ang magkabilang pisngi ko at humiga na sa kama. Tumalikod siya sa akin.
"Charles--"
"Decide tonight. Matutulog na ako, at pag decided ka na, saka kita ipag iimpake ulit." Hinigit na niya ang duvet pabalot sa kanya. Humiga ako, sharing the duvet with him. Niyakap ko siya sa likod.
"Mamimiss kitang katabi matulog." Bulong ko sa kanya, pero hindi parin siya humarap. "Mamimiss ko luto mo pag almusal." No response still.
"Charles---"
"Hindi kita mamimiss Chiara. Masaya akong masosolo ko ang bahay ng tatlong buwan."
Hinampas ko siya. Kaya pala hindi ako mamimiss man lang.
Humarap siya sa akin at niyakap ako. Matagal bago ulit siya nagsalita.
"Wag ka ng mag hesitate. Feeling ko may mga gusto kang closure pag uwi mo sa Pilipinas. Go home and close what you need to close, tapos uwi ka na dito sakin." He pinched my cheeks lightly. "At oo naman, mamimiss kita siyempre. Wala na akong katabing matulog na malakas maghilik."
Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Ah ganun pala ha, naghihilik talaga ha. Gabi gabi akong tatawag sayo at ipaparinig ko ang paghilik ko, tingnan ko lang." He just chuckled.
"Chiara." seryoso na ang tono niya.
"Uhm.?"
"Babalik ka naman di ba? Dito sa Korea." May himig lungkot ang boses niya. "You know I wont survive here without you." Napakagat labi ako. We were each others walls to lean on here in Korea.
I snaked my arms around Charles and gave him a bear hug. "Babalik ako Charles, promise. Hindi kita hahayaang mag isa dito."
"Promise?"
"I promise."
Wala akong balak magtagal ng Pilipinas. I had to work fast so Inigo would say yes.
Then makakabalik na ako sa dati.
Sa dati kong buhay. Sa dating normal na lagay ng puso ko.
***
"All bags packed. Hindi ba tayo mamimili ng pampasalubong mo sa Pilipinas?" Dalawang malaking maleta ang naipack namin ni Charles, then my shoulder bag.
BINABASA MO ANG
Say Yes
عاطفيةChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...