Inigo
Sapilitan akong bumangon mula sa pagkakahiga ng maramdaman ko ang mainit na sikat ng araw na tumama sa balat ko. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko. Mag aalas otso na ng umaga.
Chiara, a very very bad influence.
We slept at around 1230AM and woke up at 4AM. Maaga ko siyang inihatid pabalik ng farm nila. Nakabantay sa harap si Manong Dante para sunduin siya. Pagbalik ko ng bahay, sabi ko iidlip lang ako at tatakbo ng alas singko.
At alas otso na ako nagising.
Bumaba ako ng bahay at nakaupo na si Manang Letty sa salas, humihigop ng mainit na kape at nanonood ng balita. Tumabi ako sa kanya na mukhang tinatamad.
"Manang, pwedeng matulog maghapon?" Alam kong bisperas ng pyesta at madaming gagawin ngayon pero tamad na tamad ako.
"Inigo---
"Po manang." Maikli kong sagot. Nakahilig ako sa kanya at nakasiksik sa mataba niyang tagiliran.
"Parang pagod na pagod ka kagabi anak. May ginawa ka ba kagabi? Bakit tanghali ka ng gumising? Tapos tinatamad ka pang kumilos."
Ako ang nahiya sa kalokohan ko.
"Hindi po manang, tinatamad lang po talaga ako." Tumingin siya sa akin at mukhang hindi siya kuntento sa sagot ko. "Iidlip lang ako manang. Mamaya na po ako pupunta sa manggahan."
"Iiwanan na kita dito anak ha. Pupunta na ako dun pagkatapos kong magkape." Tango ang itinugon ko at umakyat na ako ng kwarto.
Usually pag pyesta, sa manggahan nagaganap ang handa, pati ang mga palaro ng mga tao sa farm.
Nung magmeeting kami nung isang buwan, walang nag agree na maghanda pa sa pyesta to cut costs, pero hindi ako pumayag. Yun lang ang kasiyahan ng mga tauhan ko sa farm na taon taon ng ritwal ng mga tao, ever since I was a kid. So ginawan ko ng paraan. Hindi man kasing dami ng handa nung mga nakaraang taon, but definitely enough for them to be happy and enjoy.
Magpapakatay ako ng isang baka at isang baboy at isang maliit na lilitsunin.
I never told anyone na nagmi middleman ako ng pagbebenta ng lupa, especially yung mga gustong bumalik sa farming na nakabigla ng pagbebenta na lupa sa mga Kims. Ilang lupa na din ang naassist ko sa pagbebenta at iniipon ko lahat ng komisyon ko as emergency funds ng farm, kumurot lang ako ng konte para sa mga tao ko ngayong piyesta.
Siguro dahil 17 palang ng maulila ako, at yung farm ang naging sandalan ko, hindi empleyado ang turing ko sa kanila kundi pamilya, thats why I am doing my best to keep the farm.
Gumulong na ako pabalik ng kama dahil inaantok pa talaga ako. Nagcheck muna ako ng mga messages.
Group messages, Min, Yiseo, Charles, Chichi.
GC piyesta, Min trabaho, Yiseo piyesta, Charles landi, and my very bad influence Chichi. Isa isa ko silang nireplyan.
Haein, gising ka na?
**Tulog pa ko😂😴😴😴
Cheee!! Kainis. Anyway, nagpaalam ako kay ate na diyan ako sa pyesta🤤😋
**Okay, hatid nalang kita pauwe pag ginabi ka.
????
......?
Hatid? Jan na ako mula ngaung Sabadi hanggang Lunes. Rawr. 😁
**Huh?
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...