34

399 19 26
                                    

Inigo

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan ng tumunog ang telepono ni Chiara.

The alarm went off at exactly 4AM.

Our supposed to be burger and fries getaway became a roadtrip around San Ignacio with our take out food. Maghahatinggabi na kami nakabalik ng Villa Amaia. At pagpasok namin ng kwarto, bagsak na kaming dalawa sa antok.

I swipe the alarm to snooze instead of dismiss. Ten more minutes. Ang aga naman ng alarm ni Chichi. Alas syete ng umaga ang kasal because they wanted to have a sunrise wedding by the beach kaya nagbook sila ng buong resort to accomodate all the guests a day before the wedding. 6AM ang call time naming nasa mga entourage for some pre wedding pictorial. Saktong 24 hours ang rent nila sa lugar, all of us will be done by 1PM. Visitors yesterday started to come at 1PM.

Ilang tunog pa ng alarm at ilang snooze pa ang binalewala ko, hanggang sa alas singko na pala ng umaga. Hindi naman nakaplano ang pagpupuyat namin talaga. Sobrang kulit lang ni Chi kagabi.

"Chichi, 5AM na." Mahina kong bulong sa kanya. Nakadapa siya at mahimbing pang natutulog.

"Chichi, alas singko na. Tanghali na ba tayo?" I snuggled closer to her. Dahan dahang siyang nagmulat ng mata.

"Sabi ko alas singko na, we are one hour behind the alarm."

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko.

"What, bakit ngayon mo lang ako ginising!!!! Alas sais ang calltime nyo di ba? Ano ka ba?!!" Galit niyang sabi at pinaghahampas ako.

"Chi, sa beachfront lang yung kasal, hindi pa ako malalate." Natatawa kong sagot sa pagpapanic niya.

"I-ssteam iron ko pa yung damit mo. At tsaka maliligo ka pa, mag aahit ka pa, mag---

I kissed her on the cheek. "You are nagging very early in the morning like a mad wife."

Ngumuso siya at bumangon. Hinatak na niya ako at itinulak papuntang CR. "Maligo ka na bilisan mo, at tsaka mag ahit ka na din ha. Make it quick, may ilalagay pa ako sayo pagkatapos mo. Bilis na." She pushed me hard until I am in front of the bathroom. Tatalikod na siya ng hinatak ko siya ng malakas, and I stole a kiss from her.

"Huy!" Sabay hampas niya sa braso ko. She tiptoed to kiss me back. "Ten minutes lang sa loob, okay?"

🌳🐄🌳

Nalabasan ko siya na tapos ng isteam iron ang mga damit na isusuot ko. Her hair is still in a mess, hindi pa niya inaayos ang sarili niya at naunang intindihin ang mga gamit ko. Groomsmen were supposed to wear long sleeve polo with bowtie, black slacks, shoes or loafers, belt suspenders. Lahat ng gamit ko, nakalatag na sa kama. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Lakas maka wife vibes talaga." Mahina kong bulong as I kissed her temple. My heart warms with all these things she's been doing for me. Inikot niya ang braso niya sa bewang ko. "Upo ka dun sa harap ng vanity dresser, dali. Wag ka muna magslacks ha, magugusot agad."

I just followed her as she approached our luggage, at may kinuha siya mula doon." She smiled cutely.

🌳🐄🌳

"Min, sandali, kakatok ka ba talaga sa kanilang dalawa? Pano pag rated SPG abutin naten?" Nasa gitna ng hallway sina Shin, Geonhee, Yiseo at Min para puntahan sina Chiara at Inigo.

"Mag aalas-sais na. Pano kung nag midnight snack nga sila tapos napuyat, kahapon nga hinayaan na nating magkulong ng tatlong oras. Eh di ako naman nalintikan kung hindi ko ginising. At tsaka kakatok naman tayo, hindi naman tayo basta papasok."

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon