Chiara
Unang patak ng snow sa Seoul. Nakatanaw ako sa labas ng office window ko.
My office is a small advertising company here in Seoul. Small yet a successful one. Dahil sa isang one time encounter ko sa isang sikat na myembro ng GOT7, naging "instant mini celeb" ako dito sa Seoul, and my ad company boomed.
Clients here and there from all rounds of life in Seoul, salamat nalang sa kabutihang loob ko sa kanya, sa pagtulong ko when he was in disguise and pretended not to be a celeb. He gave a free endorsement on my ad company.
My business became stable immediately after I graduated.
Every thing is in its proper place. My life. My heart. My company.
Hanggang sa binisita ako ni Ate Yejin recently.
5 years.
5 years na akong solong namumuhay sa Seoul ng malayo sa pamilya ko. Malayo kay dad at ate. Malayo sa mga dati kong kaibigan. Malayo kay Haein.
Kay Inigo.
5 taon kong pinag iisipan kung tama ba ang padalos dalos kong pagdedesisyon na lumipat ng Korea.
Umalis ng walang paliwanag.
Nawala ako ng parang bula.
At kasabay ng pagkawala ko sa Pilipinas, pinutol ko lahat ng komunikasyon sa mga tao sa paligid ko bukod kay ate Yejin.
Gusto ko mang putulin din ang komunikasyon ko kay Dad, wala akong choice because he supported my schooling in Seoul. I have given plenty of alibis to convince them na sa Seoul ko gustong mag aral.
I sucked another deep breath ng maalala ko ang pakay ni Ate. Ang ligawan si Inigo. Ang mapapayag siya na ibenta ang lupa nila for the hotel resort.
My childhood friend.
Or rather my childhood sweetheart.
Paano ko siya mapapapayag? Iniwanan ko siya noon ng walang paalam. Ng walang paliwanag. I ghosted him.
Baka nga hanggang ngayon, galit pa rin siya sa akin. Pero galit din naman ako just to be fair.
Galit ako noon. Galit ako sa kung anumang nakita ko. Lahat ng mga nakita ko. Patong patong ang galit na nararamdaman ko ng araw na yun.
Galit para sa lahat.
Sa mga kaibigan namin. Kay Inigo. Kay Dad.
Kaya walang dalawang isip na tinanggap ko ulit ang scholarship na inoffer saken ng Seoul University. The offer that I initially rejected.
Because I wanted to runaway.
Pain made me run away from everyone else.
Bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa noon si Charles, my friend here in Seoul.
"Ang lalim ng iniisip mo, Hon." Puna niya at patamad na sumalampak sa couch sa gitna ng office ko. He is looking at me intently. "May problema ba? Is it your sister's sudden visit?"
Napangiti agad ako. Charles knew me too well despite we only met a year ago in a Filipino store here in Seoul.
Charles is my partner for almost a year.
"Wala, nakatingin lang ako sa snow sa labas, ang OA." I rolled my eyes to hide my lingering thoughts. Alam ko in any minute mababasa na niya agad ang laman ng utak ko.
"Sure? You looked so gloomy."
I chuckled. I gave him a wide grin.
"I told you I'm okay." Tumayo ako at tumabi sa kanya sa couch. Humilig ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...