06

254 12 10
                                    

Chiara

Day 2. And it's already giving me headaches.

Ate Yejin's secretary already briefed me about the hotel resort project, at lahat ng information na kailangan ko maayos namang naitransition sa akin ni Ate. I am now putting up initial draft proposals. Proposals I know he would give second thoughts. And the fact na mga bata pa lang magkasama na kami ni Inigo, Ate Yejin is so confident na macoconvince ko siya na ibenta ang lupa niya. Sabi nga ni ate, I know Inigo to the core.

Of course, I know him very very well. Pero ang tanong, siya parin ba ang Inigo na makakaharap ko bukas? Is he the old Inigo?

Is he still my old Haein?

Maghapon akong nagkulong sa kwarto para mag isip ng magandang approach. At magandang proposal. At para makaiwas na rin ako kay dad. Pero walang pumapasok na matini sa utak ko.

I was extremely hurt five years ago sa ginawa ni Inigo sa akin, pero alam kong nasaktan ko din siya ng umalis ako ng walang paalam. So its even for us I guess. And I know on our meeting tomorrow, things will be very very awkward because of that.

Pero paano ba ang magiging magandang approach para sa aming dalawa? O may tama bang approach para sa amin.

Magtatakipsilim na, and my first page powerpoint presentation remained to be an empty slide.

Pumasok si ate sa kwarto ko.

"How was it? Are you ready for tomorrow?" Pangungumusta ni ate.

I gave her a short cackle. Napatawa lang siya sa akin.

"Ano ka ba, don't be too harsh tomorrow. You can just say hi, catch up. You know. Though alam kong super awkward yun kasi alam kong ginhost mo si Inigo."

"Ate naman, ang helpful nun, salamat." Reklamo ko sa kanya.

Umupo si ate sa tabi ko, fixing my loose hair on side.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Inigo 5 years ago? Hindi mo pa rin ikinekwento sa akin Chi." May himig ng pag aalala sa boses niya. Alam ko nung naiwan ko si Ate, maraming beses siyang kinulit ni Inigo tungkol sa akin. Hanggang sa pinasabi ko kay ate nanitigil na niya at wala na siyang aasahin sa akin. For almost a year, he stopped bothering my sister.

Walang nakakaalam ng kung anuman ang nangyari. Because I always feel it will be a burden to the person I will tell my story.

"Things just did not work out for us." Maikli kong paliwanag.

"But no closure. Kasi hindi ka niya hahabulin ng isang taon kung meron."

Closure. Baka this time meron na. Baka finally, magkaroon na kami ng closure.

Hindi ko na sinagot si Ate at hindi na din siya nagpilit. Isinara ko na ang laptop ko. Maybe initial proposal is not necessary tomorrow, siguro setting expectation nalang muna.

And it started to sink in again.

Magkikita na kami bukas.

"Alam naman niya na dadating ako bukas di ba? I mean he is expecting me?" Tanong ko ulit.

Tumango si Ate. "Tumawag ako kay Min. And I also called her secretary. Ok lang naman sayo na sa bahay ka pupunta di ba? 2 days na daw siyang work from home at hindi nagrereport sa factory."

Damn. Sa bahay pa talaga nila.

"It is okay ate. Walang problema sa akin. Makikita ko din si Manang Letty." Nilukob na naman ako ng tonetoneladang kaba.

"Will you really be okay? I mean facing your ex---

"Hindi naging kami ate."

"Pero minahal mo?"

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon