Inigo
Chiara was sleeping soundly on bed when I arrived home. I received a message earlier from her na wag na akong tumuloy sa kanila but instead, dito na sa bahay ako umuwi. Hindi daw kami makakapag usap ng maayos kapag sa kanila ako uuwi.
I settled myself beside her pagkatapos kong magpalit ng damit. Tumagilid ako para tingnan siya habang natutulog. Hindi na niya ako nahintay dumating.
Her flight tomorrow to Korea is scheduled at 8PM, at ipinangako ko na ako ang maghahatid sa kanya sa airport. Then that Althea commotion happened earlier, and I know she was mad. I was expecting to see her rage pagdating ko, pero siguro sa pagod din, mas nanaig ang antok at pagod niya kesa sa galit.
I know she was expecting me to tell everything. Lahat ng napag usapan namin ng daddy niya.
"Chi-----"
Sinubukan ko siyang gisingin, dahil siguradong bukas, galit na naman siya kung hindi ko gagawin.
Hindi siya tumugon, pero sumiksik siya sa dibdib ko. My lips stayed on her hair as I tapped her back with my hand, hoping to drift myself to sleep by doing so.
Then I recalled my convo with Tito John that night.
That one hella talk with his dad.
Bahagyang gumalaw si Chi sa pagkakatulog niya. She slowly opened her eye, looking at me blankly. Ngumiti ako sa kanya.
"Sleep more Chi." Mahina kong bulong.
Ayoko na siyang gambalain sa pagtulog.
Tulog pa siguro talaga siya. Her nose stuck at my chest, inhaling my scent.
"I missed you." She whispered unknowingly and probably unconsciously.
"Your dad missed you more."
Hindi ko na namalayan, nakatulog na rin ako, Chiara sleeping on my embrace. Memories of that night flooded my mind.
🌳🐄🌳
How long it took me to sleep, so fast for me to wake up. Alas sais na ng umaga at hindi na naman ako nakatakbo, thanks to all my personal issues and to my girlfriend.
She was sleeping soundly beside me. Like a sleeping beauty.
Humalik ako sa noo niya bago ko siya iniwan ng kwarto para bumaba at harapin si Manang Letty na abalang nagluluto ng agahan. I gave her updates about Uncle's condition after his mild stroke. Natapos si Manang magluto ng almusal, I returned to my room with a tray of food for Chiara and I.
Nakaupo na si Chiara sa kama ng pumasok ako, stretching both of her arms like a kid.
"Good morning sleeping beauty." I greeted her as I laid the food tray on my office table. "Get up."
Nakakunot ang noo niya sa akin.
"Hindi mo ako ginising kagabi?" Bungad niya agad.
Exactly as I thought.
Umupo ako sa tabi niya, planting a kiss on her forehead. "Madaming beses. Hilik lang ang sagot mo, nahiya naman akong istorbohin ka pa. Tulog mantika." Biro ko sa kanya.
"I am pretty sure sinadya mong hindi ako gisingin. Iniiwasan mo ako."
I flicked her forehead. "Kung iniiwasan kita, eh di hindi mo sana nagisnan ang gwapo kong mukha. At tsaka, nahiya si sleeping beauty sayo, andami ng kiss ni prince charming, di ka man ang nagising. O baka gising ka talaga, gusto mo lang makakiss ng madami."
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...