33

424 17 16
                                    

Chiara

If there's one constant thing about Inigo, never siyang mauuna ng away, pero pag sinimulan mo siya, he could be very very petty and silly.

Pero hindi sa mga babae.

"I never pegged you to be petty with women fights." Bulong ko kay Inigo habang naglalakad kami papunta sa malaking cottage na nakaassign sa amin. It was located at beachfront of Villa Amaia. Nasa hulihan kami nina Yiseo.

After that sleeping together stint he pulled off earlier, parang nagsasayaw ang inner bitchesa self ko, seeing how Althea and Sab failed their sabotage plan against me.

"Behave and dont act like a kid." Bulong niya pabalik.

"Alam mo makakahalata na sila sa dahil sa sinabi mo kanina."

I could still recall their faces. Hindi ko na mahintay ikwento kay Charles ang mga nangyari kanina.

"Hayaan mo silang mag assume. Hindi  ko na problema kung kagaya mo sila na assumingera. Tsaka isa pa, totoo naman na we are sleeping----" Siniko ko siya ng malakas dahil nasa harapan lang namin sina Shin. Tinawanan lang ako ng loko.

Narating namin ang cottage na tutuluyan namin.

Apat ang kwarto sa loob ng malaking villa, may common kitchen at common living area. Gawa sa kawayan ang buong lugar mula sa dingding, sahig hanggang sa muwebles. Nakasunod ang mata ng lahat sa amin ng pumasok kaming dalawa sa room na nakatoka kay Inigo, may nakasabit na mga pangalan ng bisita sa bawat pinto.

The room is spacious. Executive suite siguro ito for big families kasi may sariling CR. Hula ko this is the cottage masters bedroom. Umarko ang kilay ko. May vanity dresser. Intended na may babaeng titigil.

The witches really.

"Aaaahhhhh, inantok ako bigla." Humilata na si Inigo sa gitna ng kama. Dumiretso naman ako sa built in closet para isampay ang dress na isusuot ko bukas, plus Inigo's clothes. Nagbaon nalang ako ng steam iron para maalis ang mga lukot dahil sa pagkalagay sa luggage. Inililipat ko pa ang ilang piraso ng damit namin ng maramdaman ko ang braso niya sa balikat ko.

"Mamaya na yan, tulog muna tayo, panindigan natin yung sleeping together." Masayang bulong niya. "At tsaka wag mo ng ilipat yang mga damit natin, uuwi na dun naman tayo bukas. Kung bakit ba dalawang bag ang dala natin, parang isang linggo tayong mawawala." Himutok pa niya.

I am blaming Charles. Kung ano ano pinadala niya sa akin. Steam iron lang ang planong dala ko, pero pinagdala niya ako ng plantsa ng buhok, ilang set ng sandals, at one week worth na damit. Glam daw, glam.

Napasigaw ako sa gulat ng bigla akong binuhat ni Inigo, bridal style.

"Bat mo ko binuhat??!!!"

"Hindi ka pa kasi titigil, so I will make you stop. Let's sleep." Ilang hakbang lang at nasa kama na kami. I had no chance to get up dahil pagkalapag niya sa akin, nahigit na niya agad ako payakap sa kanya.

"I missed you. I missed this." Nakasiksik ako sa dibdib niya, and he is squeezing me like he is juice extractor. Too tight. Wala bang balak mag trespass si Althea? Ang perfect sana.

"Ano kaya iniisip nila sa labas nung sumigaw ka?" Niluwagan niya ang yakap saken para tingnan ako sa mukha, at sinalubong ko naman ang tingin niya. "Akala ko bahala na silang mag assume?" I answered playfully.

He leaned down, binding our lips together.

Butterflies skyrocketed on my stomach as his tongue made its playful tour inside mine.

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon