Inigo
"Manang, patulong nalang po kay Chiara na maligo. Kakausapin ko lang po sila." Utos ko kay Manang Letty. Sa CR ng kwarto ko na siya inilapag.
Her panic attacks stopped the moment we reached the villa, pero hindi parin siya makalakad dahil sa sprain. Puro galos at gasgas ang katawan niya at puno ng putik. Madami na ding nakadikit na putik sa katawan ko pero I dont really care. I need to confront my friends on what happened.
"Kaya mo bang ihakbang ang paa mo?" Tanong ko kay Chiara. She just nodded.
Medyo nagtataka ang tingin sa amin ni Manang ng itinuro ko kay Manang na may damit si Chiara sa closet ko, pero hindi siya nagtanong. Lumabas na ako para harapin ang mga kaibigan ko.
"What the hell happened in there?" Halos dumagundong ang boses ko sa living area. It will be hard for me to even hide my anger.
"Inigo--- Si Suzy.
"No one dare to lie on me. I will make ways to know what happened." Tiningnan ko sila isa isa. "Uulitin ko, anong nangyari kanina?" Mas madiin ang tanong ko.
Nagkatinginan sila. Si Lance ang unang nagsalita.
"Sir, sumali po si Mam Chiara sa laro. Kaya lang po, napansin ko parang nagkokombulsyon po si Mam nung nasa gitna na ng laro, kaya nilapitan ko po siya. Kasiyahan lang po sir, hindi po namin alam na masasaktan si Mam."
Marahan akong tumango. Lance doesn't know anything about our past so he is clueless. Nakita ko din naman na inalalayan niya si Chiara.
"Sige Lance, mauna ka na, salamat."
"Sir, hindi po ba ako masisisante? Wala po akong masamang ginawa kay Miss Chiara." Nag aalalang tanong niya.
"No, you are free to go. Salamat sa malasakit mo kay Chiara."
Umalis na si Lance. Naiwan ang mga kaibigan ko sa bahay.
"So anong nangyari? Huwag niyo akong pag ulitin ng tanong, hindi ko na alam ang sunod kong gagawin."My fist clenched tightly as I looked around them.
Matagal bago may nagsalita.
"Its supposed to be a prank, Inigo. We encourage her to join the game. Katuwaan lang, hindi namin---
Napahilamos ako sa mukha sa sinabi ni Min. I cut him off in the middle.
"Prank?!!!" Halos mapaigtad sa upuan sina Yiseo sa lakas ng boses ko. "And you all think this is funny?!!!
"Inigo--- Si Yiseo.
"Ikaw ba ang may pakana nito Yiseo?" Galit kong baling sa kanya.
Kinakabahan siyang sumagot.
"It was a harmless game. Hindi naman namin siya pinilit. We didn't know na sasama ang pakiramdam niya sa ganitong activity. Akala namin she's just----
"Just what?"
----acting up." Mahinang sagot niya.
"What?!!!!" My voice raised another octave. "Harmless? She had a panic attack earlier. Anong akala niyo sa kanya? Nag iinarte. And you did this for what?"
Walang nagsalita.
"Dont fucking tell me you did this for me for some sort of revenge?"
Sabay umangat ang tingin nina Suzy at Yiseo.
"Oh for God's sake." I let out an exasperated sigh, my friends, acting like real kindergartens.
"Hindi pag iinarte yun. She had her issues when her mom died before and she was having panic attacks since then, and you are all downplaying this as a harmless prank? Kelan pa naging katawa tawa sa inyo ang mental health issues ha?" Malakas parin ang boses ko at alam ko chances are madidinig nila ako sa taas.
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...