36

420 16 7
                                    

--chapter dedicated to a telly request--
💕xoxo💕


Chiara

"Chichi, andito na tayo..."

Nagising ako sa mahihinang tapik ni Inigo sa balikat ko.

"Okay ka lang? Andito na tayo sa bahay."

Nakatulog pala ako sa byahe pauwi. I gave him a simple nod.

Halimuyak ng amoy ng danggit at tablea ng champorado ang sumalubong sa amin, kagaya ng unang araw na nakita ko ulit si Inigo after 5 years. It feels another dejavu to me, this time kasama ko si Inigo na papasok ng bahay.

"Nag eexpect ka ba ng shirtless na Inigo sa loob like the first time?" Biro niya na parang nabasa ang nasa isip ko. I rolled my eyes to him. Tease. Hinampas ko siya sa braso habang naglalakad kami papasok, and I can't help but pout. He remembered so well. How my jaw literally dropped that day.

Madaming beses ko ding pinigil ang sarili ko noon na hanapin siya sa social media dahil baka kasal nila ni Althea ang makita ko, so nagulat talaga ako sa matinding glowup niya from payatot to buff. Glow up for real.

Malapit na kami sa dining ng si Inigo ang naunang humakbang palapit kay Manang. Nakatalikod siya sa dining at abalang nagluluto. Yumakap si Inigo kay Manang Letty.

"Manang!!!" Sigaw niya yakap yakap si Manang sa mga braso niya. "Bakit parang pumayat ka Manang. Kita mo oh, kasya ka na sa braso ko. Hindi ka ba inaalagaan ni Manong?"

Hinampas siya ni Manang ng siyanse, nadidinig ko ang sirit ng danggit sa mantika.

"Namiss mo ba ko manang, ako hindi kita masyadong namiss."

Hinampas siya ulit ni manang, sa halip na syanse, kamay naman sa balikat niya. Nakayakap parin si Inigo sa kanya.

"Miss ko na ang kulit mong bata ka. May pasalubong ka ba sa akin?" Tanong nito.

The view warms my heart so much in a way my heart is aching. Nang mawala sina Tito at Tita, si Manang Letty na ang itinuturing niyang pangalawang ina. Then I realized I missed my mom. So so so much.

Minsan, may mga pagmamahal na makukuha natin sa mga taong hindi natin kadugo o kaano ano, and at times, those love are even stronger than those we consider our own. Just like how Inigo to Manang, and vice versa.

"May dala po akong mangga galing Zambales." Bulong nito at kinurot siya ni Manang sa tagiliran. Hindi parin niya nakikita ang presensya ko, ang buong atensyon niya ay kay Inigo.

"Pero seryoso po, may pasalubong po ako sa inyo."

Lumingon sa akin si Inigo, like a cue to come over. Lumingon si Manang sa direksyon ko. Nang makalapit ako sa kanila, hinagip ni Inigo ang kamay ko, intertwining it with his.

"Manang, kami na po ni Chiara, girlfriend ko na po siya." Itinaas niya ang kamay namin na magkahawak.

Lumipat ang tingin niya sa akin, papunta kay Inigo, tapos pabalik sa akin. Ngumiti. "Alam ko." Nakatawa niyang sagot sa amin.

"Alam nyo po?" Sabay naming tanong.

Bakit parang alam ng lahat na kami na?

Isang makahulugang ngiti ang ibinigay sa amin ni Manang.

Manang Letty

Jerry, tingin mo ba may problema si Inigo? Dalawang araw na niya akong pinapauwi ng maaga, tanong ko kay Jerry. Naghahapunan kaming dalawa sa loob ng staffhouse. Wala sa bahay ang aming dalawang anak dahil lingguhan silang umuuwi galing Maynila, parehas nag aaral pa. Si Inigo ang parehong nagpapaaral sa kanila, isang 1st year at isang 2nd year college.

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon