Prologue

12.7K 230 3
                                    



Sa ayos niya na naka ponytail may suot na salamin at naka floral dress mukha na siyang sampung taon na gulang kaysa sa edad niya na pitong taon.

"Gre.. sa iyo na ba ako titira?"Boses niya ang nag pabalik sa ulirat ko at hinintay nalang na mawala ang lahat ng tao sa sementeryo.

"Ayaw mo ba?" Umupo ako't pinantayan siya at inayos ang cute niya na salaming pambata.

"Wala naman po akong choice eh tsaka sabi ni mommy ikaw na raw mag-aalaga sa akin hanggang sa mag- asawa ako." Mahabang litanya niya na akala mo matanda na kung makipag-usap.

Napangiti ako sa taglay na meron siya. Mula sa cute niyang mala asul na mata, cute na ilong at labi at mga maliliit na kamay.

"Ayon naman pala eh. So tara na?" Aya ko sa kanya nag aantay na si ate Aly sabay turo ko sa babaeng nakatayo malapit sa kotse na kulay  itim.

Yakap ng maliliit niyang kamay sa batok ko at isang halik sa pisngi ang binigay niya sakin.Bago ko kinuha ang kamay niya at pumunta sa kotseng kanina pa ata nag aantay sa amin.

And that was the first kiss she gave me.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon