Ep.30 (Love;Team)

3K 82 1
                                    

"Love, never knew what I was missin'
But I knew once we start kissin', I found
Love"




Isabela





"Ready ka na ba?"


Si Gre habang sinalubong ako at tinulungan sa mga dala ko na mga bag at nilagay sa cargo compartment ng sasakyan niya.Inaantok pa ako sa totoo lang anong oras pa lang kasi mag alas sais pa lang ng umaga.Eh parehas pa naman kaming hindi morning person kaso no choice kasi medyo malayo ang ibabyahe namin, hindi na ako sasabay sa kanila I mean kina ate Dolly sa shuttle bus. Bahala na silang mag isip, hindi pa naman ako nakakatulog sa byahe pag hindi si Gre ang nagmamaneho. Kung si Gre hindi nakakatulog pag hindi si ate Aly ang nagmamaneho pag mahabaan ang byahe, ako naman hindi pag hindi si Gre ang nasa manibela. Ganun siya ka komportable kay ate Aly kahit minsan aso't pusa sila. Ganun din ako ka komportable matulog pag siya ang nagmamaneho.

"Yup." Maikling tugon ko tsaka nag hikab. Tumawa pa siya ng mahina kasi alam niyang inaantok pa ako. Katulad ko naka pullover hoodie din siyang suot. "Bagets yarn." At umupo sa passenger seat. Nag pogi pose pa si tanda kumindat sa akin.Joke lang naman kasi yun.



May message pa si ate Dolly kung saan na raw ba ako, aalis na raw ang shuttle bus. Lumingon pa si Gre sa akin dahil kanina pa ring ng ring ang phone ko kaya sinabi ko na sa kanya na si ate Dolly nagtatanong kung sasama ba raw ako o hindi.

"Sagutin mo na kasi kamo ihahatid ka ng asawa mo." At pinaandar ang kotse niya.

"Okay." Sagot ko lang sa kanya.

So gaya nga ng sabi ni Gre ayon ang sinabi ko kay ate Dolly bahala na sila mag isip mamaya pag nakita nilang kasama ko si Gre at kasabay.

Nakahalating oras o isa na siguro kami sa byahe ng nararamdaman ko na huminto si Gre sa drive-thru nakatulog pala ako medyo masakit na din ang sikat ng araw kaya naman pala dahil may limang minuto na lang at mag alas siyete na ayon sa dashboard ng sasakyan ni Gre.


Nilapag na lang ni Gre ang kape o yung order niya sa center console at nagpasalamat kay ateng counter, si ate bida ang saya pa naman ang tag line nila pero malungkot. Baka tulad ko hindi rin siya morning person.



God ang layo ng byahe namin almost three hours din kaming nasa daan naka private vehicle na kami niyan. Nauna na pala sila sa resort siguro mga apat na shuttle bus ng company ang gamit ngayon may mga tarpaulin pa bawat harap ng bus Supair team, Supair dream ang slogan ng Supaire Corp ng kompanya ni Gre ngayon.Kung sino ang nakaisip nun aba'y hindi rin niya alam basta pinaubaya na niya kay ate Dolly lahat kung saan gaganapin ang team building ng kompanya niya.


Nakababa na pala si Gre sa sasakyan habang ako nag stretching pa sa loob, ang sakit ng katawan ko lalo ang pwet kaka upo. Nakita ko na lang siyang binati nila ate Dolly at ng ibang staff niya nasa bukana na sila ng resort at maya lang may lumapit na sexy na babae, matangkad, morena at mahaba ang buhok na blonde, naka lagay pa ang sunglasses sa ulo niya at nakipag kamay pa sa kanya. Baka ayon ang may-ari ng resort paano ba naman kasi pinasara ni Gre to ng dalawang araw, so exclusive lang to sa amin ng two days.Kung anong gagawin namin bahala na kami o sila.


Ang ingay ng mga nasa paligid ko lahat excited, halos mag siksikan na nga kami sa loob paano ba naman kasi nasa isang daan siguro kami lahat partida hindi pa sumama ang iba. Naghihintay na lang kami ng go signal doon sa babaeng ayaw ng humiwalay kay Gre,si blonde hair. Ang asawa ko naman panay smile lang, mukhang kinilig pa. Maya na siya kiligin dyan at unahin muna kaming maayos by room lahat. Pag ako nainis dito lalapitan ko sila at bigwasan silang dalawa.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon