Ep.27 (Power of K)

2.8K 80 2
                                    

"I will always treat you as my sweet heart
No matter what you do
I'm so in love with you"





Grenade




Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto namin para hindi makagawa ng ingay at baka magising ko ang isa. Pero pag sinusubok ka nga naman ng panahon at tumunog pa ang cellphone mo. Damn it! Alyssa, I will really kill you right now. Hindi ko alam kung ano ang una kong papatayin ang tunog ng cellphone o dadamputin ang susi ng kotse ko na nahulog na rin lumikha na kami ng ingay.

I checked my time, its nine minutes to twelve midnight.Narinig ko pang gumalaw na siya sa higaan namin. I'm dead for sure at pinagpatuloy ang pag pasok sa pinaka gitna ng kwarto namin. Hoping na wag na muna siyang magising at matulog na lang ulit. Pero pag di ka nga naman malakas kay Lord, hindi ka narinig.

"Hmmm.. Gre?" with her bedroom voice. Ang lumanay ng boses niya parang di galit kanina nung kausap ko. Nag sshhh lang ako bilang tugon baka sakaling naalimpungatan lang siya pero pag di kana man talaga malakas kay Lord ngayon, at nasa spam messages ang hiling mo kaya inuulit niya ulit ang tanong niya kanina.

"Gre?" Kanina medyo malumanay pero ngayon ibang lumanay na ang boses niya. Kaya pinili ko na lang sumagot kahit gusto ko pa sanang ituloy na lang niya ang tulog niya.

"Po, baby good ev- morning." nagkamali pa ako. Nakamot ang di makati sa ulo ko, para akong may kasalanan sa kanya na parang wala naman sa pagkakatanda ko. Nilapag sa may office style table ang mga dala ko na tanging ilaw lang ng cellphone ang gamit ko palowbat pa ako. What a lucky night.


"Bakit umuwi ka pa?" hindi ko alam kung itutuloy ko ang pag upo sa edge ng bed namin o dediretso ako sa banyo para maiwasan siyang sagutin sa tanong niya. Hello..bahay ko rin to no nainip yata sa sagot ko kaya tinawag ulit ako.

"Grenade Supaire." naman tong asawa ko, wala sanang buohan ng pangalan pag nag aaway no. Kaso naalala ko ang ten to eleven years ang agwat namin dalawa baka ganito siguro ang mga bata.

"Yes,brat?" Baka nakakalimutan niyang sinabi ko na malalate akong uwi kahit kasama ko naman si Aly. Alam niya kaya yun, I'm thinking kung nakapasok ba si Aly sa bahay nila tsaka ko na siya isipin, ang sitwasyon ko na muna ang iisipin ko. "Kasama ko si Aly, baby." pampalubag loob baka sakaling humupa ang galit niya sa akin kung meron man.

"I know." two words lang yun pero mas nakakatakot siya ngayon mas gusto ko siyang magdaldal ng aabot isang buong papel ang sasabihin niya at least yun may diversion. Eh ang sinabi niya wala eh open and closed answer.

Alam naman pala niya eh ba't pa ganyan ang pakikitungo niya sa akin tsaka nag paalam akong malalate akong uwi ang ganda pa nga ng pagkasabi niyang K lang. Eh di okay nag agree pala siya eh, pero hindi naman ata sa pinapakita niya ngayon. "Nagsabi naman ako baby na malalate ako." hirit ko sa kanya baka sakaling nakalimutan niya lang ang K niya kanina sa akin.

"Ano nga ba ulit ang sabi mo sa akin, Grenade. Hmm.. baby malalate akong uwi baka alas otso nandyan na ako." bakit sinabi ko bang ganun oras at daling binuksan ang phone ko pero pag sinuswerte ka nga naman namatay ang cellphone ko. The heck talaga!

Nabitin pa ang pagtayo ko sa sinabi niya.Gusto ko ngang magreklamo eh.

"Sa kabilang kwarto ka matulog." Luhh..may ganun? Kung tutuusin nga kwarto ko to eh tas may gana pa siyang mag ganyan sa akin sipain ko siya eh kung... "May reklamo ka?" Dugtong niya pa.

Sabi ko nga sa kabilang kwarto ako.

"Wala ah, that's fine with me." pinasigla ko pa ang boses ko pero sa loob-loob ko gusto kong magreklamo sa kanya ngayon at patulan siya.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon