"Why did you have to be untrue?
Why do I love you
Like I do?"Grenade
"Miss Supaire?!"
His voice echoed in the hallway. Sa lahat ng tao sa mundo bakit dito ko pa siya nakita. Kaya ayaw ko na umattend sa mga pa gatherings ng mga business event napa ganito eh.Iwas ako sa ganitong walang kwentang ganap. Kasi bukod sa magpaplastikan lang naman kayong lahat aksayado pa sa oras. Tama nga sigurong si Dolly na next time ang papupuntahin ko.
Kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Aly sa new friend niya na si Luffa De Carretera hindi ako pupunta. Naririnig ko pa rin ang tunog ng sapatos niya na nakasunod sa akin habang walang tigil sa pagtawag sa pangalan ko. Wala akong time sayo, boy.
Pero instead na lumingon sa kanya at huminto sa paglakad nagpatuloy ako papuntang exit ng building na 'to.
"Or tamang sabihin na Mrs. Supaire?!" Buhat sa pag banggit niya sa pangalan ko doon niya yata ako nakuha.
Ihahakbang ko na sana ang isang paa ko pero natigil ako sa pagbanggit niya ulit sa pangalan ko.
"Right, Mrs. Grenade Supaire." Masakit siya sa tainga and that's the time para lingunin ko si kolokoy.
He's matured sa huling kita ko sa kanya but not enough to be a man sa paningin ko. Tattoos are everywhere, even on his hands.Natakpan lang siguro ang iba dahil naka suit siya. Piercing on his left nostril and right earlobe. Literal na bad boy image.
I scanned him from head to toe, mas matangkad pa rin ako sa kanya ng dalawang pulgada kaya nakatingala siya ng konti sa akin. Para kaming mag spa-sparring sa way ng tinginan namin na dalawa.
"It's been a long time, Grenade." Nakangisi pa siya sa akin. Ngising pang kontra-bida. Ngising di gagawa ng mabuti that his aura right now.
I can smell his strong perfume mixed with cigarettes. Sensitive talaga ang ilong ko lalo at di ko bisyo ang sigarilyo.
"What do you want, Mr. Licauco?" Flat affect ko siyang tinignan. Nakapa mulsa ako habang nakataas ang kilay ko ng tinanong ko siya sa pakay niya sa akin.
Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko nag segue lang siyang tanungin ang gusto niyang kumustahin na pangalan. Kaya naman na coil ko ang aking kamay sa loob ng bulsa. Mabuti na lang talaga at nasa loob ng mga bulsa ko ang mga kamay ko kasi gusto ko ipadapo sa mukha niya ang kamao ko ngayon.
"How's my lovely Isabela?" Nag smirk pa siya pagkatapos.
I smirked as well bago siya sagutin. "She's still
lovely as always."Kahit ang totoo gusto ko na siyang bangasan sa mga oras na 'to. Kahit nung una pa man talaga hindi ko na siya gusto para kay Isabela. Alam mo yung nasa loob lang ang kulo niya ramdam ko yun dati pa. Nirerespeto ko lang naman talaga dati ang desisyon niya kasi kasama sa development stages niya ang pagkakaroon ng love life kuno. Wrong moves at maling desisyon ko yun sa tanan buhay ko. Kung may undo lang dinelete ko na yun sa memory ko. Katulad ng nasa isip ko ngayon na pag delete sa kaharap ko ngayon. Gusto ko siyang burahin sa paningin ko.
Gusto ko siyang bigyan ng isang suntok at paduguin ang ilong niya nangangati ang palad ko na dumapo sa mukha niya. Kahit isang beses lang. I didn't like him the first time I saw him and I don't like him even more.. never. It will never happen.
Hinawakan niya pa kunwari ang baba niya hinimas ang may konting buhok sa chin niya at napahimas kunwari sa batok. Mukha talaga siyang kontrabida sa palabas sakto pa at ganito ang style niya ngayon. Mukha siyang gangster sa style niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content