Ep.17 (I hate You)

2.8K 94 0
                                    

"I hate that I love you
I hate that I want you
You want her, you need her
And I'll never be her"



Isabela


"Anong nangyari dyan?" Rinig kong tanong ni ate Aly sa kamay na may benda ni Gre.

"Nag sparring ako." She lied. At kinuha si baby Julienne para kalungin niya.

Ako ito kunwaring busy sa cellphone ko kaka scroll pero sa totoo lang wala naman talaga ang isip ko sa cellphone nandun sa babaeng may hawak na bata habang aliw na aliw sa baby.

Gusto ko siyang batuhin ng cellphone ulit na hawak ko, itsura niya mukhang wala lang sa kanya ang lahat-lahat samantalang ako ito di malaman ang gagawin sa lahat-lahat buhat ng nalaman ko ang huling habilin ni mommy.

Di ko alam kung matutuwa ba ako o magpapatiwakal dahil sa hiling niya na yun.

I felt guilty of my behavior last time. Those hard slapped, when I hit her with my cellphone na tumama pa sa jaw niya , those harsh words o sa lahat-lahat ng ginawa ko kay Gre last time. Mas lalo pa nga akong nagulat when she punched that wall na halos masira o matanggal niya ang pintura nun. Natakot ako na baka ang suntok na yun ay para talaga sa akin pero dahil di niya ako kayang saktan sa di ko malaman na dahilan kaya binuhos niya sa wall lahat hanggang siguro sa masatisfied siya kaya bigla niya akong iniwan na nagtataka sa mga kilos niya.O baka dahil hindi ako nagpaalam sa kanya sa beach bonding namin magkaklase. First time ko siyang makitang umiyak sa harapan ko pa talaga. Gusto ko nga siyang yakapin nun kaso na shocked at natakot ako na baka ibalya niya rin ako.

Hindi ko alam kung sumobra ba ako sa kanya kasi kung tutuusin nga ang laki ng utang na loob ko sa kanya, sa kanila. Pero hindi naman kasi niya ako masisisi, sa ilang taon ko sa poder niya may ganun pasabog si mommy sa akin o sila. Plus committed ako, ano ba. Mahal ko si Lance higit pa sa buhay ko.Kinapa ko pa ang dibdib ko ng sabihin ko ang katagang mahal ko si Lance higit pa sa buhay ko. Ba't parang may mali sa pakiramdaman ko. Pagod lang siguro, ang katawan ko, ang isip ko sa lahat-lahat.

Si Gre ang tipong nasa kanya na ang lahat. Literal, sa estado ng buhay na meron siya o mapa pisikal man. Halos araw-araw nga nasa news o social medias ang pangalan niya linking sa pangalan ng iba't-ibang babae. Lalo na yung Samantha. Ewan ko ba pero kumukulo dugo ko sa pangalan na yun. Di ko rin malaman o mapinpoint sa sarili ko knowing na mabait naman yung tao sa akin.Hindi mo ngang mahahalata na nasa thirty plus na si Gre eh. Baby face pero nunca siya na sasabihin ko yun sa kanya.Pumuti na ang uwak.

Naalala ko pa last time ng malaman nilang nasa school daw si Gre halos lahat ng babae doon gustong magpapicture. Ewan kung anong karisma meron tong isa na normal lang naman sa akin.

Siguro kung magkaiba lang ang sitwasyon namin ngayon baka nga bibigay din ako. She had looks, fame or everything kaya lahat ng nalilink sa kanya, lumuluhod para lang pansinin niya. Pero ewan ko ba sa isang yan wala ni isang dinadala sa mansyon o pinakilala kay lolo. Womanizer kasi.

The great Grenade Supaire a.k.a womanizer. Kairita siya.

Ba't ba kasi hindi nabalita na nag propose si Gre sa kanya eh nakita ko ngang may hawak hawak siyang maliit na kahon nung birthday niya eh. Hindi ba natuloy yun o gusto niya lang ang lowkey na relasyon.

"Brat. Masisisira na yung remote sa sobrang higpit ng hawak mo". Sita ni ate Aly na papuntang kusina baka maghahanda ng meryenda.

Damn, di ko na pala namalayan na sobrang higpit na pala ng hawak ko sa remote.

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa gawi niya kaya lumingon sa akin. I just gave her a rolled eyes. Tse... I still hate you.

Ang tanders binigyan lang akong matamis na ngiti. Tanders talaga habang nag aalburuto ako sa loob-loob. Sarap kurutin ng nail cutter.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon