"At the body shop, doing something unholy"
Grenade
Nagsasayawan ang lahat habang tumutugtog ang banda na inarkila ni Aly ayon na rin sa request ni Fiona.
Nakangiti ako na tinitingnan ang direksyon nila. Si Aly na naka back hug na yakap-yakap ang may kalakihan na tiyan ng kanyang asawa habang sinasabayan nila ng sayaw ang banda.
Sa bandang gawi naman si yaya Buning at Mang Boy.. ang sweet lang ng mag asawa yun. Yung iba di ko na kilala pa baka mga co-teachers ni Fiona or ewan.
Naalala ko pa kung paano niligawan ni Aly si Fiona. Their story was like a damsel in distress.Masasabi ko talaga na pag tinamaan ka ng lintik na pag-ibig hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Fiona is just a simple probinsyana girl.Pero di mo mahahalata na probinsyana dahil ang tatay niya ay french man. Ulilang lubos, working at scholar student pa. Tatlo ata silang magkakapatid. Yung bunso nasa ibang bansa nag-aral gawa na rin ni Aly.
Sariwa pa sa isip ko kung paano namin pinuntahan ni Aly ang Samar para lang bumalik sa kanya si Fiona. Alam ko naman na babaero si Aly dati mas pa sa akin. Pero darating talaga ang panahon na may taong magpapatino sayo.
Isa pa sa ayaw ni Fiona kay Aly kasi nga sa apelyido niyang dala. Yung angkan naman kasi namin hindi basta basta. Ayaw niyang isipin ng mga tao na pera lang ang habol niya kay Aly kaya umuwi ng probinsya ang isa at doon na sana mamalagi.
Natatawa ako na tinungga ang bote ng beer kung paano lumuhod ang gaga ko na kapatid sa harap ni Fiona para lang wag siyang iwan ulit ng walang paalam at bumalik sa piling niya.
Corny ng gaga. Pero ganun talaga siguro pag mahal mo.
Lumipad pa kami ng alas tres ng madaling araw gamit ang private plane ng malaman niya galing sa private investigator ang lokasyon ni Fiona tatlong buwan din parang baliw si Aly nun. Di ko na alam ang gagawin sa kanya eh kung ipapasok ko na bang mental o hindi pa.
But look at them now, they are genuinely happy. I'm happy for my sister.
Nakita ko na lang na papalapit si Yvonne na nakangiti sa direksyon ko at nilahad ang kamay niya, nagtanong kung pwede ba raw akong isayaw.Yumuko pa jusko ang makasalanan kong mga mata nasa dede niya banda.
Lord patawad.
Tinungga ko muna ng isang beses ang beer na hawak ko at tinanggap ang kamay niya at magkahawak kamay na pumunta kami sa gitna.
Nagulat na lang ako ng nag palakpakan ang lahat. May sumisigaw pang go go Yvonne.
Natatawa na lang kami pareho.Sakto naman ang shift ng tugtugan ng banda. Bagay sa swing dance.
Nahingal akong bumalik sa pwesto namin habang natatawang di pa rin binitawan ni Yvonne ang kamay ko, ayaw ko naman maging rude kaya hinayaan ko na lang muna.
Nakita ko pa na sinasayaw si bata ng lalaking kasa-kasama niya nung umaga. Napakunot pa ang noo ko ng mapansin ko na napaka nipis ng suot niya ngayon gabi.I mean okay, alam ko naman na beach to eh kaso iba ang lamig ng hangin pag gabi dahil nasa tabing dagat kami.
Ang sexy niya nga sa suot na bead detailed knitted na kulay orange. Magmula kanina di ko na kasi siya napansin. Di na rin kami nagkita kahit sa kwarto man lang naging abala ang lahat.
Feel ko uubuhin siya kinaumagahan. Halos kita na nga ang harapan niya may slit pa sa hita, kita pa pati likod niya.
Buhat sa isipin na may humawak na naman sa kanyang iba kahit alam ko na may paggalang ang hawak ng lalaki yun. Di ko pa rin maiwasan na di magselos.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content