Ep.24 (Exchange)

3K 89 2
                                    

"One-sided love broke the see-saw down
I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart"




Grenade



Nasa convention ako ngayon, sa bansang China supposed to be si Dolly ang kasama ko kaso may motion sickness daw siya kaya si brat ang hinila ko at may approval kay Dolly since medyo galamay na niya daw ang trabaho bilang secretary or ang disposition ng trabaho ko at ang ugali ko mismo.


She's sitting on the left side. I think it's a row for all the secretaries or right hands while the bosses are on the right side nakita ko pa nga si Laura eh. And I saw a lot of familiar faces as well. Ang convention na to nagbibigay presentations all over the world. It's all about business of course, opponents come from various countries. Hindi ko naman alam na company ko pala ang nag held nito. Kung di pa sinabi ni brat o ni Dolly sa akin o baka nakalimutan ko lang ng diniscuss ni Dolly sa akin.

Ang dami ko kasing iniisip eh, lalo nasa kasama ko ngayon while her ayon bitbit ang iPad taking down some notes. Hindi niya ata alintana na halos ang mata nasa kanya ngayon, Isabela has a soft and innocent features actually hindi naman daring ang suot niya ngayon pero ewan at namamagnet ang mga mata nila papunta sa kanya.

She's wearing an off shoulder top and high waist plain square pants sana ganyan lang lagi ang suotin niya pero kahit siguro basahan isusuot nito lilingunin pa rin siya ng mga tao tulad ngayon. For Christ sake, pati ba naman dito ang dami kong karibal. Sa opisina, baka maubos ko ang employees ko lalo mga lalaki pag tinanggal ko sila ng sabay-sabay.


Harap-harapan ba naman kasing magbigay ng bulaklak sa kanya, kung ako lang kasi ang masusunod baka nag bigay na akong memo bawat employee ko na asawa ko yang pinagpapantasyahan niyo. Kung ako lang, kaso ang lowkey kasi nitong asawa ko sa sobrang lowkey ma-out tune na ako na asawa niya.Kung hindi dahil sa request niyang ipa lipat sila, lalo doon sa nahuli ko na nagbigay ng regalo sa kanya baka mag massive hiring na ako ng bagong mga staff. Gusto ko na nga mga babae lahat eh kaso di naman pwede ang ganun, sayang ang credentials at experience o qualifications na meron ang isang tao regardless sa gender nila.

Jesus Christ! I have a headache dati heartache lang ngayon headache na. What a lucky life.


Nakita ko pa kung paano siya magiliw makipag usap sa isang katabi niya,a foreigner woman to be exact. Pero di ko ata gusto ang isang lalaking kanina pa pasipat-sipat sa gawi niya. It's me or parang kilala ko siya o I was met him before sa convention din. I can't remember him anymore but he's quite familiar.

Lumapit pa ako sa pwesto ni brat, ibibigay ang blazer ko nilalamig kasi siya. Sinabihan na kasing wag yan ang suotin kaso maka asawa ka nga naman ng tigre at matigas ang ulo hay naku, ayaw ko ng mag comment basta masusunod siya tapos.

Am I under? Di naman siguro, mas maiging umoo ka nalang sa asawa mo parang walang hassle. Less talk, less mistakes. Kaso nakakabanas lang talaga siya minsan eh. Nasusungkit niya ang boiling point ko kaya napapatulan ko, pero wag ka galit na ako mas galit pa siya. Oh diba? Woman.Kaya ang ending ako pa rin mag sosorry. Am I under? Maybe ? Yes or no? Ahead ako sa kanya ng mga ilang taon ganun na lang explanasyon ko sa sarili ko. Tama.

"What?" May pagtataka pa siyang tumingin sa akin inabot sa kanya ang blazer ko.

"Use it" maikling tugon ko lang bumalik sa pwesto ko. Medyo dim sa lugar namin tanging ang slides lang ng presentation ang nagsisilbing ilaw sa venue namin ngayon. Pero malinaw sa twenty-twenty vision ang mata ko ang mga kilos ng bawat isa dito lalo ang usapin ay si bata.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon