"So lock the door, And throw out the key
So go ahead and drive me insane
Baby, run your mouth
I still wouldn't change being stuck with you"Isabela
"Squeeze together! Okay.. 1,2,3!"
Sigaw ng organizer ng christening event ni baby Julienne dito sa simbahan. It looks more like a wedding ceremony than a christening. Nakaakbay sa akin si Gre habang nasa gitna naman si ate Al at ate Fiona hawak si baby Julienne. Nasa bandang gilid sila lolo, yaya Buning, Mang Boy at... Samantha again.
Di talaga siya nawawala sa eksena, laging nandito o nandoon sumasabit.. extra.
Sarap lang sikuhin ng asawa kong ang ganda pa ng ngiti.
"Miss Isabela. Sa harap po ang tingin" agaw ni kuyang photographer sa akin. Nag thumbs up si kuya sa amin indikasyon na okay na at pwede ng bumalik sa dating pwesto.
Medyo marami ang bisita sa simbahan hindi ko gaanong kabisado ang mga mukha. Baka mga kumpare ni lolo, mga kaibigan o katrabaho nila ate Aly at Gre.Bumalik ako sa dati kong upuan hinintay matapos makipag usap ang magaling ko na asawa kay Samantha at ate Fiona na hawak si baby Julienne. Oo nga pala, ninang silang dalawa.
Bagay naman sila.. bagay hagisan ng granada.Lord! Ang sama ng iniisip ko po nasa tahanan mo pa naman ako. Kasi naman eh. Ang iritasyon ko sa kanila siguro di na mawala-wala kahit alam ko naman walang ginagawa si Gre, mapa simbahan o opisina man.
Napansin siguro ni Gre na wala ako sa tabi niya kaya napalingon siya sa pwesto namin kanina. Sus, kunwari pang hinahanap ako eh ang sarap nga ng tawa mo kasama ang isa dyan.Sarap lang pasuin ang kanyang mga mata gamit ang kandila na hawak ko ngayon.
Lord! Patawad po ulit, makasalanan na naman ang naisip ko. Kasi naman Lord eh itong isang anak mo. Mukha na akong tangang naghihimutok dito.
"What are you doing here?" Tinanggal ang eyeglasses ko sa ulo at nilagay sa aking mata inipit niya pa ang buhok ko sa tenga na sumabit siguro. "There, that's the exact place.. ganda mo" sabay lahad ng kamay niya sa akin.Inaya niya akong pumunta sa pwesto nila ate Aly at Fiona magpapaalam na mauna na kami sa bahay nila Ate Aly kasi doon ang venue.
"Greee... tsk" kunwaring reklamo ko sa kanya. Ginantihan niya lang akong what look.
Gusto pa nga ni lolo sa Amanpulo na naman sana ang venue kaso umayaw na sila Gre at ate Aly hindi sa hindi nila afford. Ayaw lang ng dalawa na mag travel na naman after sa simbahan. Kaya naman pala gusto ni lolo doon kasi ang regalo lang naman niya kay baby Julienne ay yacht.Maliit lang naman daw sabi ni lolo, maliit na para sa kanya pero parang medium ang laki.Malamang mag aaway na naman sila ate Aly at Fiona mamaya, kawawa na naman si ate Aly paano kasi ayaw ni ate Fiona ng luho nung birthday nga niya imbis na siya ang bigyan ni lolo ng kotse binigay niya kay baby Julienne kasi alam ni lolo hindi tatanggapin ni ate Fiona yun. Mas appreciated pa ni Fiona na bigyan mo ng adobo yan kaysa mamahalin bagay.
Very down to earth. A humble person.Sa sobrang down makikita na niya si Lucifer sa lupa. Erase..erase nasa tahanan pala ako ni Lord.
Patawad po ulit!
Di naman siya masaway ng dalawa, matanda na daw siya aanhin niya ang pera pag namatay siya kaya binigay niya lang sa apo o apo sa tuhod. Hayst, speaking of apo.. nagtatanong na naman si lolo kung may apo na ba daw siya sa amin ni Gre. Gusto kung sabihin kay lolo na wala, kasi wala at ayaw ng anak mo, ako na nagbibigay motibo mukha na akong beggar nanlilimos na galawin na niya ako. After ng may nangyari sa amin, ayon lang yun pinaka last na yun. Mukhang wala talaga akong amor sa kanya sa forbidden scene. Baka iba ang hanap niya tipong wild sa bed mga ganun siguro. Baka ganun si Samantha. Masama na ito, I'm comparing myself to her.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
De TodoIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content