"Can I hold you tonight?
And maybe, if I told you the right words
At the right time, You'll be mine"Grenade
Nagmamadali akong pinark ang kotse sa tapat ng bahay nila Aly. Tinawagan niya ako para ipaalam na manganganak na si Fiona. Baka dahil sa taranta o hindi ko malaman na dahilan kaya pinapunta niya ako.
Akala mo talaga siya ang manganganak eh.
Pagdating ko naman doon sa loob ng bahay nila mas prente pang naka upo si Fiona sa sofa pero namimilit na sa sakit habang hapo ang tyan niya.
Chillax lang.
"Fi, where's Aly?" Tanong ko agad kung nasaan ang asawa niya. Maya maya lang nakita ko ng pababa sa hagdanan bitbit ang may apat na bag. Di ko alam kung matatawa ako sa itsura niya o maaawa. Siya tong aligaga pero ang asawa niya relax na relax lang.
"Oh, Gre nandyan kana pala". Di alam kung sino ang uunahin na lapitan, ako ba o ang asawa niya.
"Hindi ako ang manganganak". nginuso ko pa ang pwesto ng asawa niya habang umiiling-iling.
"Ah. Yeah. Yeah". At lumapit kay Fiona para akayin na sana ito.
Jusko ka Aly, mag relax ka. Hindi ikaw ang manganganak oy. Lumapit ako at tinulungan siyang bitbitin ang mga bag na nakasalabay sa katawan niya.
Yung totoo,Ly sa hospital ba punta niyo o bakasyon to.
Mabuti na lang talaga at maaga tumawag to, pinagpaliban ko na muna ang trabaho para damayan kuno si Aly. Pamangkin ko pa rin ang lalabas mamaya.
"Pinatay mo ba ang electric induction, babe?" Rinig ko pang tanong kay Aly. Tukoy niya siguro sa burner built-in stove nila.
"Yata,babe?" di pa niya siguradong sagot.
"Check mo run o ikaw ang papatayin ko!" Sigaw na ni Fiona. Hay kawawang Alyssa, under.
Hindi pa man natapos ang susunod na sasabihin sana ni Fiona nagkukumahog na si Aly tinungo ang kusina nila. Sa ayos niya pang siguro kagigising lang, sabog pa ang buhok at wala sa ayos ang tali ng roba. Kaya mo yan, ly. Piping cheer up ko sa isip ko.
Naabutan na lang kami ni Aly na inakay ko na sa sasakyan si Fiona para ipasok sa sasakyan nila.
"Tonta,Ly. Hindi ako ang manganganak" ako ba naman kasi ang inakay.
"Ay, yeah ang asawa ko pala".tsaka tinulungan isampa si Fiona sa kotse. "Hold on,babe" cheer up niya pa sa asawa niya.
"Hambalusin ko mukha mo, isampa mo ang paa ko na isa". Na sinunod naman agad ni Aly at hinalikan ang noo nito.
Bukod tanging si Fiona lang talaga ang nagpatiklop kay Aly.
Naghihintay na lang ako sa labas ng delivery room para hintayin sila Aly at Fiona. Pinasama na ng doctor si Aly sa request na rin ng asawa nito. Eh takot pa naman yung isa sa dugo o any amoy ng hospital. Natawagan ko na rin si daddylo about dito, baka mamaya lang ay nandito na rin yun sa hospital, si brat ewan saan nagpunta. Di ko alam.
After an hour..
Nakita ko ng lumabas si Dra.Ramos kasama ang kumadrona na si Mrs.Ysage at sinabing ayos na ang lahat, waiting na lang to transfer sa private room si Fiona.
Nag kumustahan lang kami saglit ni Dra. Ramos siya na ang pumalit kay Leonor bilang medical director dito since siya ang pinakamatalik na kaibigan ni Leonor magmula college sila.Dito na rin namin dinala si Fiona sa hospital namin, lalayo pa ba kami.
Mayamaya lang ay inilipat na si Fiona sa private room.Hinihintay na lang na dalhin si baby dito.Tulak-tulak na ng nurse ang neonate transport cart para ipakita sa kanila ni Aly si baby.
I can't explain the tears of joy of Aly and Fiona. The exact meaning of a complete and happy family is the image at my front right now.
Nakita ko pang pinunasan ni Aly ang luha ni Fiona at hinalikan sa temple habang bonding nila ang baby. A bonding of mother and child ika nga.I'm happy for my sister. I'm not jealous but I'm wishing someday that one day I will feel what's being to be a complete family. With Sabel.
"Gre, come here. Your beautiful niece Gre". Nasa kanlungan na ni Aly si baby at lumapit na rin ako't hinaplos ng aking hintuturo ang chubby niya na cheek. " Kamukha ko, Gre". Natawa na lang si Fiona sa asawa niya.
Nakarinig na lang kami ng ingay sa likod at niluwa si daddylo at si Sabel....kasama si Lance.
Ang galak at tuwa ni lolo ay walang kapantay, pangalawang apo niya to eh. Baka nga spoiled na naman to sa kanya pag laki. Lumapit na rin si Sabel kay lolo at nakangiting pinagmasdan si baby habang hinahawakan ang maliliit na kamay nito.
How about us,Sabel paano kaya pag nagka baby na tayo. Ganyan ka rin kaya kasaya at kagalak pag nakabuo na tayo ng sariling pamilya. Paano ka kaya maging isang ina o mabuting asawa ko. Paano mo kaya ako aalagaan at ang mga magiging anak natin pagdating na panahon.
Pero naputol ang pag muni-muni ko ng lumapit at hinapit ni Lance ang bewang ni Sabel at nakamasid na rin.
O baka paano mo kaya aalagaan si Lance kasama ang magiging anak ninyo. O katulad din kaya kung paano mo ako inaalagaan, paano ka ka-concerned sa tuwing hindi ako nagpaparamdam sayo. Paano ka higpit ang yakap mo pag namimiss mo ako, gaano ka kasabik humalik sa pisngi ko pag gusto mo.Paano mo ako ipagdamot sa iba, ganun ka din kaya kay Lance o higit pa?
Buhat sa isipin yun at ang pwesto nilang dalawa sa harap ko. Parang gusto kong balyahin si Lance at baliin ang kamay na nakapulupot sa bewang niya.
"G, sayo na lang ang kulang." Pabirong sita ni lolo sa akin.
Natawa na lang din ako sa sinabi niya. "Malapit na lo, kambal pa."
Napuno ng tawanan ang buong kwarto. Pero seryosong nakatingin sa akin si brat na kinindatan ko lang.
Narinig ko na lang din na tanong ni lolo kay Aly kung ano ang magiging pangalan ng bata habang nakaupo ako dito sa may sofa at kumakain ng mansanas.
"It's Alyiona Julienne Supaire, lo."
Kinombine niya ata sa pangalan nilang mag asawa at kina daddylo at mamila na Leon at Julia.
Habang ako nangingiti sa tabi while thinking sa magiging pangalan ng magiging anak namin ni brat.
Pero agad din nawala dahil ang sweet lang sa gilid ng dalawa. Ang sakit sa mata at puso. Bullshit!
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content