"I know that dress is karma, perfume regret
You got me thinking 'bout when you were mine You just want attention, you don't want my heart"Isabela
"That's an advantage then."
Rinig ko pang sabi kay Gwendolyn nang na corner niya kami o tamang sabihin si Gre dito sa may buffet area. Mukha pa yatang hinintay niya talaga tong isa mag breakfast at lumabas sa designated room namin since sa amin na room natulog si ma'am Gre. Hindi na nahiya sumalo pa talaga sa mesa namin ni Gre ni hindi ko nga narinig na inaya to ng isa. Binigay ko pa kay Gre ang cellphone niya sa harap ng babaeng to para kahit papano maka realized siya pero nag flip lang ng buhok ang gaga humarap ulit kay Gre.
"She's not here naman." Refer niya ulit sa asawa ni Gre kuno na selosa at sa sinabi niyang may asawa na siya sabay taas ng kamay at pakita ng singsing ni Gre sa kanya.Narinig ko pang kasal na siya pero ang hitad wala man lang akong nakitang gulat sa reaksyon sa mukha niya. Mas madali raw makuha ang manok pag nakatali.
Gusto ko siyang itali sa suot niyang kulang na lang isang pitik ng kamay ko mahuhubaran na siya. Hindi makagalaw si Gre sa tingin ko paano bukod sa magkaharap kami ngayon nasa gilid niya si Gwendolyn, literal na na corner siya kasi pader ang gilid niya. Tumingin pa siya sakin ,tingin na nagpapa saklolo at nagpapa sensya.
"Tara na po ma'am Gre." Aya ko kay Gre kasi mukhang walang balak si blonde hair na pakawalan ang asawa ko. Wala pa naman si Dolly ngayon busy sila ng iba rin naligo sa dagat, ayon lang naman ang rescuer niya pag ayaw ni Gre sa makukulit niyang bisita.
Nakita ko pa kung paano nabutan siya ng tinik sa sitwasyon kinakaharap niya ngayon. Pwede naman kasing layasan niya tong hitad na to suntukin ko rin siya sa kidney sa sobrang pagka entertainer niya.
"Uwi na lang tayo,baby." Ang seryoso ng mukha niya ngayon habang binabaybay namin ang kinaroroonan nina ate Dolly. "Baka kasi nagseselos ka na." Pero may nakakaloko na siyang ngiti ngayon.
Akala ko pa naman seryoso talaga siya. "Asa ka."
Ang ngiti niya kanina nawala biglang lumungkot ang mga mata at sabay tumawa ng malakas.
"Just kidding." Kumindat pa sa akin but her aura changed suddenly,her eyes. Sad. May sayad na yata tong asawa ko.
Hinatid niya lang ako kina Dolly at puntahan lang daw niya saglit ang room nila, binigay pa sa akin ang towel at sinalabay sa balikat ko enough na matakpan ang harap ko.Tinawag ko pa ang pangalan niya pero hindi na siya lumingon at nag dere-diretso lumakad pabalik sa daan namin kanina.
"Hoy, bakit?" Si Maureen pala nasa gilid ko na. Isa pa to pero wala sa kanya ang atensyon ko na kay Gre, ewan pero parang ang bigat ng nararamdaman ko ngayon sa isang iglap lang nakatingin pa rin ako sa likod ni Gre.
I took a heavy sigh bago binalingan si Maureen. "Wala." Inaya ko na siya sa pool na kanina pa pala kumaway ang mga kasamahan namin.
Buong maghapon hanggang gumabi ko sigurong hindi nakita si Gre, na sa akin pa naman ang cellphone niya tinanggap lang niya kanina 'to at binalik ulit sa akin. Paano ko siya makokontak ngayon, napatingin pa ako sa phone niya tumatawag si ate Aly Mi Perra Hermana kasi ang screen name sa phone ni Gre, malamang si ate Aly lang naman to. Siya lang naman ang bitch sister ni Gre. Sinagot ko na lang at sinabing tumawag siya ulit mamaya kasi nasa akin ang phone nung isa.
Natawa ako sa screen name ni ate Aly sa phone ni Gre kaya naman na curious tuloy ako kung anong screen name niya sa akin, basta dinial ko ang phone niya para malaman ko kung anong screen ko sa kanya mas lalo akong napangiti ng makita ko Mi Vitamina C 💊, ginawa pa niya akong vitamins o gamot. Hinayaan ko na lang ma-off ang ilaw ng phone niya, pinaglaruan ko pa na e-off and on ang cute kasi ng wallpaper niya. Picture ko to nung nasa Parque de Isabela kami seven years old palang yata ako dito. Picture ko tas may nakalagay na Uno.Cuatro.Tres. Ayon ang wallpaper ni Gre.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content