Ep.12 (End?)

2.7K 95 0
                                    

"I'll be there 'til the stars don't shine
'Til the heavens burst and the words don't rhyme
And I know when I die, you'll be on my mind
And I'll love you, always"


Grenade


"Senyorita!"

A baritone voice came from my back with his biceps and tan color plus a cowboy hat.Di pa rin talaga nagbabago tong kababata namin ni Aly at Leonor.

"Miguelito! Long time no see ah". Sabay niyakap siya.

"Tagal niyo nga na di pumasyal sa hacienda eh. Kumusta ka at si Maria?" Tukoy niya kay Aly.

"To ayos lang. Buhay pa naman. Yung isa magkaka baby na". At bumalik ulit ako sa pwesto ko partikular sa kabayo ko na si Speed.

"Ikaw kailan?Torpe ka pa rin kahit kailan". Tumatawang lumapit sa pwesto ko at hinaplos ang mukha ni Speed. "Tagal mo ng hindi nagagamit ang alaga mo. Pati si Rapido". tukoy niya sa kabayo ni Aly at tinuro ang harapang hawla.

Ilang dekada na rin bang naninilbihan ang pamilya ni Miguel kina lolo magmula sa kanyang mga magulang at kamag-anakan hanggang sa nagsipag-asawa sila. Ang iba nandito pa rin.

Napangiti lang ako sa mga ala-ala na lumipas kay tagal na rin pala. After ng college namin kasi ni Aly at Leonor bumili kami ng lote sa manila at pinatayuan ng mansyon. Kasi dahil sa business ni daddylo. Kaya pag may pagkakataon pumapasyal kami rito sa Cebu partikular sa hacienda o farm ni abuelo.Ngayon na lang ulit dahil na rin sa request ni daddylo. Mahirap humindi eh sa matandang yun.

"So dating gawi?" Tanong ni Aly na nasa bukana ng kwadra.

Tamang- tama ang sikat ng araw dahil di pa gaanong masakit sa balat. Tulad ko naka cowgirl attire din si Aly.

"Maria!" Sigaw ng nasa tabi ko.

"Kung di ka pa titigil sa kakatawag sa akin ng pangalan ko tolits. Ipapa salvage kita!"

Ayan na naman sila matalik na magka away pa rin ang dalawa kahit kailan. Bahala sila dyan na magpatayan. Ang maasar talo at hinila si Speed palabas ng kwadra.

Naka pwesto na kami sa kanya-kanya na kabayo gamit ko syempre si Speed at kay Rapido naman kay Aly, gamit ni Miguel ang kabayo ni Leonor na si Suraa at hawak ang mga reins ng kabayo.

"Ly, wag kang papatalo kay Miguel. Nakakalasing ang lambanog nila". Biro ko kay Aly.

"Ako pa ba!" With her boastful tone.

Nag instruct lang ng konti si Miguel kung hanggang saan lang kami tas iikot doon sa may pinaka dulo at syempre ang mauna, siya ang panalo.

Hinihintay na lang namin ang tunog ng baril hudyat na mag umpisa na.

"Yooo".. sabay sipa at hinila ang rein ni Speed para tumigil.

Narinig na lang namin na nag palakpakan ang mga tauhan sa farm ni abuelo at mga kasamahan ni Miguel.

"Di ka pa rin nag babago tolits madaya ka pa rin". Reklamo ni Aly sa kanya.

"Oh paano ba yan, mamaya sa bahay inuman ah. Walang hihindi". Pagtatapos ng usapan namin.

Pinark ko muna ang pick up truck na dala namin ni Aly sa tabing lote nila Miguel. Dumayo kami para na rin mag kumustahan at inuman dahil nga natalo kami. Pero kahit naman wala yun, dadalawin pa rin namin ang aming kababata.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon