"Making love all day, have us a baby
If I had one wish, I'll make you my whole life
And you'll be my wife, make it right this time"Grenade
I'm lying on our sofa scrolling and searching for good movies on Netflix. Hawak ko ang remote habang ang isa palakad-lakad sa harap ko kaya di ko masyadong makita ang screen sa seventy five inches na flat screen sa sofa namin.
Oo, kahit napakalaki ng screen hindi ko pa rin nakikita kasi sa tuwing mag aadjust o pipindutin ko na ang remote ang bulto ng katawan niya ang humaharang. Hindi ko rin naman siya masabihan o masita, basta hinayaan ko lang siya. Nakaka distract siya kahit naka pambahay lang ang suot niya ngayon.
Well, kahit naman kasi anong suot ni brat, ganun niya kayang payanigin ang buong ako ang buong pagkatao ko.
Ano bang meron sa kanya ngayon mukha siyang aligaga na di ko malaman kung bakit, mukha siyang stress kahit linggo ngayon at walang pasok. Masyadong siyang stress eh pwede na nga siyang di magtrabaho gaya ng sabi ko sa kanya, pumirme na lang sa bahay kaso mag aaway na naman kami pag inopen ko ang topic na yun kaya hinayaan ko na lang siya sa buhay niya at desisyon sa ngayon.
Akala ko nga lalakad na naman siya paroon at parito kaso biglang tumabi sa akin ng higa mabuti at kasya kami sa sofa nakasandig ang ulo ko sa may edge ng sofa habang kinuha niya ang kamay ko at pinulupot sa bewang niya, ang siste ang sweet lang namin tignan ngayon.
Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa flat screen ako naman di makakilos at makagalaw ng maayos dahil sa position namin ngayon. Ang suot pa naman niya ngayon loose shirt at naka squat wolf short hindi yata siguro siya aware sa posisyon namin. Kasi busy pa rin siya kakalikot sa cellphone niya ayaw ko naman maging tsismosa sa pinagtitignan niya kaso ang mata ko nasa hawak niyang cellphone ngayon. Nasa gallery siya nag scroll sa mga images doon.
Kukunin ko na sana ang kamay ko sa bewang niya kaso nararamdaman niya yata kaya hinawakan niya yun habang busy pa rin ang isang kamay niya sa cellphone niya.
Nawala na ang focus ko sa panonoorin ko sana nasa posisyon na namin dalawa.
"Gre, your wish lists." Pinakita pa sa akin ang wish lists ko last December. Jusko isa rin siya akala ko pa naman wala na yan kakausap lang namin ni Aly niyan kahapon tas heto siya.
Pinicturan niya pala pinakita at inaangat niya lang ng konti ang kamay niya enough na makita ko ang photos na yun pero nakaharap pa rin siya sa flat screen namin. Natawa pa siya dahil sa photos na yun.
"Anong nakain mo last time at ako ang wish mo?" Nag scroll ulit sa mga images sa gallery niya. "Hmm.. Gre."
Alam mo 'to siya nananahimik akong humiga rito para mag movie marathon sana tapos heto siya sa tanong niyang di ko alam kung sasagutin ko na galing sa puso ko or magsisinungaling ako.
"Gre?" Untag niya ulit sa akin.
"Hmm.. baby." Kunwaring busy ako kaka search parin ng movies. "Ano nga ulit ang tanong mo?" Kahit narinig ko yun pinaulit ko lang sa kanya para makapaghabi ako ng salita na ayon sa sitwasyon o meron sa amin na dalawa.
Inulit naman niya ang tanong niya kanina na may kasama pang siko sa tagiliran ko. Mukhang alam niyang narinig at alam ko ang tanong niya kaya siguro may kasamang siko. Sadista na talaga 'to si brat.
"Bakit naman kasi hindi." Binasa ko pa kunwari ng mahina ang summary ng movie na napili ko.
Nangangalay na ako sa totoo lang kasi nakaunan siya sa akin sa kaliwang braso ko na hawak din ang remote habang ang kanang kamay ko nasa bewang niya hawak rin ng kamay niya. Ang sweet lang at aasa na naman ako.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content