Ep.6 (Crushed)

3.2K 97 0
                                    

"Do I have to cry for you?"

Grenade

"Yaya Buning...!" pasigaw na tawag ni Aly habang nasa bukana pa lang ng pinto.

At sakto naman na kakaupo ko lang sa mahabang mesa nagkakape. Nakalimutan ko na pinapapunta ko na pala siya rito sa bahay at sabay kami na pupunta na lang sa university.

"Kumain kana ba Alyssa anak?" tanong niya sa isa.

Yung gaga ko na kaibigan na kapatid hindi man lang pinakinggan si nanay Buning at sinayaw niya lang ang matanda.

Ganyan naman siya lagi kahit noon pa. Sa aming tatlo siya yung pinaka sweet, maloko at iba pa. Ako nasa gitna lang habang the serious type si Leonor sabagay siya nga ang ate namin eh taga saway sa mga kalokohan namin dati.

"Yaya Buning yung isa po?" Tukoy ko kay bata habang umiinom ng kape.At naramdaman ko nalang yung labi ni Aly sa pisngi na nag iwan pa ng red lipstick.

"Balahura ka talaga!" Sabay punas ng tissue sa pisngi ko. Bigyan lang akong middle finger ng gaga.

"Maagang umalis at may sumundo anak. Pogi nga eh". At inurong palapit sa akin ang egg sandwich na nirequest ko.

"Awtssss nay Buning". Oa na sigaw ng kaharap ko.Sarap tusukin ng tinidor ang mata ka aga-aga sira na agad ang araw ko.

Yung matanda wala naman paki kasi kilala niya na kami at umalis puntang kusina.

"Ikaw mag drive Gre. Hinagis ang susi papunta sa gawi ko. College pa tayo nung pinag drive mo ako". Dugtong pa niya

Bwiset talaga naunahan pa akong mag utos. Eh nung last year lang kaya yun sa kasal niya pa mismo. Tamad ang hayop sa isip-isip ko.

"Alam mo kahit kailan ang oa mo talaga, ly".Nasa parking lot na kami ng university na pagmamay ari namin.

"Duh.. nakarating na tayo sa school tsaka mo lang sinabi sa akin yan. FYI, Gre alam ko naman uutusan mo rin ako kaya inunahan na kita no". Arteng paliwanag niya pa habang nagtatanggal ng seatbelt.

Impakta talaga!

Naglalakad kami sa hallway papuntang office nitong isa. Naririnig ko pa ang hiyawan at pagka amaze sa mga mata ng mga estudyante. May bulong pang ang gandang pogi raw ng kasama ni ma'am Alyssa. Kaano-ano ko ba raw si Aly. Iilan lang yan sa mga papuri na narinig ko may kumukuha pa ngang videos at picture. Sana'y na ako sa lahat ng yun. Pagsasawalang- kibo ko na lang.

Pero naghahanap ang aking mata sa isang partikular na tao. Baka may klase o kaya nasa room.

I'm wearing my usual and casual get up red pants suit, long sleeve na piniko hanggang siko plus black slip-on at bitbit ko ang ysl quilted monogram clutch bag. Nilugay ko lang ang may di kataasan kong buhok na sinadya kong kulutin.

Yung kasama ko naman panay reply sa mga bumabating estudyante sa kanya sabagay siya ang presidente eh magdusa siyang ngumiti at magbigay pugay. Oo nga pala, ilang tao lang pala dito ang may tunay naalam sa relasyon namin ni Alyssa. Kay bata naman si Aly lang at Fiona.

"Napagod ako, mahirap maging sikat". Reklamong kuda ng isa na nakaupo sa swivel chair niya.

Nilibot ng mata ko ang malawak na opisina ni Aly halos wala pa rin naman na pinag bago ang opisina niya. Nandoon pa rin yung picture frame namin lima nina mamila at daddylo, pati yung tatlo kami kasama si Leonor. Kung ano ang picture frame na meron siya dito ganun lang din naman sa opisina ko. Ang nadagdag lang nun akin ay may bukod kami ni bata na picture kuha pa yun nung nag debut siya. Sa kanya naman ang picture nila ni Fiona nung kasal.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon