"How do you heal a broken heart?"
Isabela
She changed a lot.
She became a stranger. We became strangers. I changed her. Yung dating malambing na Gre na kilala ko naglaho na parang bula. I mean, I can't blame her. I can't blame myself either. She didn't want to hear any of my explanations. Na para bang may nakakahawa akong sakit. Ganun niya ako pandirihan sa tuwing akto na akong lalapit sa kanya.
"Gurl?" Tapik sa akin ni Maureen. "Isabela. Hoy!" Isang tawag niya pa ulit.
I scratched my upper left lip bago siya pansinin.
"Hmm."
"Wala ka bang napapansin kay ma'am Gre?" Habang inayos niyang isalansa ang mga papel na xenerox niya kanina. "There's something wrong with her these past few days, gurl." And she staples the papers. "Parang broken-hearted."
Wala ako sa mood sagutin siya. Broken din ako.
Kaya sinagot ko na lang siya.
"Ah okay."
"Alam mo? Ang sarap mong ka bonding.Kuhang-kuha mo ang inis ko ngayon." Turan niya. Sabay alis at bitbit ang mga papel na kanina niya pa ginagawa.
Hindi ko na lang siya pinansin. Masama rin kasi ang pakiramdam ko. Para akong nilalagnat na ewan. Siguro dala ng puyat at pagod.Hindi ako makatulog ng maayos. Wala rin ganang kumain. Masama na talaga pakiramdam ko bago pa lang yung away namin ni Gre.Parang lagi akong sinisikmura na hindi ko ma explain.
My cravings are too demanding lately. Too demanding but no one supplies it. I can't really explain what happened to my taste buds for several days. That even my smell buds got easily irritated.
I barely use my perfumes kasi hinahalukay ang sikmura ko. Pero gustong gusto ko yung pabango ni Gre kaya lagi kong dala sa bag.
Ilang linggo na ba akong ganito? Two weeks going to three? I lost the numbers basta ang tanging hiling ko lang ay bumalik kami sa dati.
Pero malabo na ata. Ayaw na niya sakin. Ayaw na niyang umuwi sa mansyon. Ayaw na niya akong makita. Masakit. Nasasaktan ako sa tuwing dumadaan at dinadaanan niya lang ako na parang hangin. Ilang beses ko na rin nakita na tinatapon niya yung mga pagkain na binigay ko sa kanya. Lima? Pitong beses na siguro.
I burned my hands on that dish which is favorite niya, na lagi niyang ni-rerequest sa tuwing kakain kami sa favorite niyang restaurant. I admit, hindi ko man nakukuha ang saktong lasa nun pero what about my effort?
Wala! hindi na valid sa kanya. Wala na nga yung validity ng love niya sa akin eh. Yung pagkain pa kaya.
Nasasaktan ako kung bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon. Kasalanan ko ba lahat? Kasalanan ko bang hindi agad ako nag explain sa feelings ko para sa kanya. Am I too late? Or Am I too early to win her back? Gulong-gulo ako sa sitwasyon namin ngayon.
'Got your favorite snacks.'
Basa ko sa screen ng cellphone ko with emoji heart pa.
Isa pa 'tong si Lance.
I found him cringe and creepy lately. Na kahit di ko sabihin sa kanya kung nasan ako. Bigla na lang siyang susulpot sa likod ko. Tulad kahapon, I was about to please Mang Boy na hintayin ako saglit kasi may kukunin ako sa table na naiwan ko sa taas. Then, all of a sudden si Lance na yung nasa harap ng building ni Gre. Pinauwi na niya daw si Mang Boy kasi siya ang maghahatid sa akin.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content