"I'm all about you"
Grenade
"Dito ka umupo sa harap. I'm not your driver".
Pautos kong sabi kay bata. May jet lag pa ako kagagaling ko lang ng bansang Spain at kararating ko lang kagabi. Yung isang linggo naging tatlo dahil na rin sa mga aberya at sa mga bagay-bagay.
Narinig ko na lang ang kaluskos sa likod ko at padabog na sinarado ang pinto sa backseat habang tinitignan siya sa internal mirror.
Meron ba siya ngayon? o LQ sila?
Pabalya pa niyang binuksan at sarado ang pinto sa harap ng sasakyan.
"What's that grumpy face?. Seatbelt please." Mga ilang minuto ata siyang di kumikilos.
"Mag seatbelt ka o aabutin tayong gabi dito". Lahat ata ng tanong ko, sagot ko. Ngayon na nga lang kami ulit nagkita sa loob ng tatlong linggo last yung pumunta ako sa school nila at kumain kaming tatlo.Ganyan attitude pa ang isalubong niya sa akin.
Pero kahit nasa ibang bansa ako, pinapa monitor ko naman tong brat na to nag hired pa akong agent para sa kanya, kaya araw araw akong may update sa kanya. Si Cram ata name nun. Bukod sa secret agent nandyan naman si Aly at Fiona.
Malayo-layo pa naman byahe namin sa batangas mga ilang oras din ang ida-drive ko. Sinipat ko naman ang katabi ko kung okay na. Seatbelt in and wireless headset in. Ayos silent mode tayo ngayon. Nakasandig pa ang ulo sa gilid at naka crossed arms.
Pinasadahan ko pa ang suot niya ngayon.
"Kinulang ba ng tela ang suot mo ngayon?" tukoy ko sa crop top niyang suot. At pinaandar ko na ang kotse.
Tinanggal niya lang saglit ang headset. "Crop top po tawag dyan at uso yan ngayon. Beach naman kasi pupuntahan natin alangan naman mag gown ako doon". At ibinalik ang headset sa tainga niya.
Nilingon ko lang siya, nakita ko pang nag eye roll sya. Maldita talaga, nagtatanong lang naman kasi ako.
"Naghubad ka na lang sana kulang na lang kasi pag tumuwad ka makikita na kaluluwa mo". Tukoy ko naman sa shorts-shorts niya sabay nag stop kasi red light.
"Mamaya sa beach, tamang-tama may dala akong sexy na swimsuit. Gatong niya pa at binalik ulit ang nakasalpak sa tainga. Palibhasa matanda kana kasi".at pinasadahan ang aking suot.
"Pogi ko kaya sa suot ko ngayon no". Refer ko sa white linen pants ko at white long sleeve na di ko na binutones enough na makita ang abs ko.
"Whatever". Sagot niya pa.
"Pikon". Asar ko pa at inapakan ang gas pedal dahil green light na pala.
"Welcome back, bitch!" Salubong sa amin ni Aly partikular sa gawi ko.
Gaga, tatlong linggo lang ako nawala tsaka alam kong sanay na siya sa business trip ko.
"Happy Birthday, Fi." Tukoy ko kay Fiona at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Thank you, Gre and Welcome back". Reply niya
"Happy Birthday ate Fiona!" bati ni bata at humalik at hinamas ang medyo may kalakihan na tiyan niya.
Nakita ko nalang na inakay na niya si Fiona sa loob ng resort at iniwan kaming dalawa ni Aly. Close talaga silang dalawa ni Fiona dati pa naman sa school kahit di pa sila kasal ni Aly.
"Nagtatampo yan, hindi ka raw nagpaalam sa kanya ni call or video call di mo raw sinasagot".tinuro niya pa ang direksyon nilang dalawa.
Ah nasagot lahat ng katanungan ko kanina lang. So that's what her grumpy face is all about.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content