"I'll buy you anything, I'll buy you any ring"
Grenade
"Gre!!!"
Tawag galing sa labas ng kwarto namin ni bata ang napabalikwas ng bangon ko di pa nakontento may katok pang kasama.
Argghhh sakit ng ulo ko.Aga-aga di ba nila alam na bakasyon ko ngayon at uuwi na bukas. Imbes na pag buksan ang tao na nasa labas nagtalukbong ako at muling pinikit ang mata.
"Gre papasok ako". Walang tigil na pag istorbo ng tao sa labas.
Naramdaman ko na lang na lumundo ang kama sa paanan ko."Tanghali na Gre ang bebe mo.." pabitin niya pa sakin.
Buhat sa narinig daig ko pa si superman sa sobrang bilis bumangon kahit naka sarado ang mga mata at sabog pa ang aking buhok.
"What happened?" Tanong ko.
"Nag scuba diving kasama si Lance".at pabagsak na humiga sa paanan ng kama.
"Lance?? Tanong ko pa sa sarili ko. How come na nandito siya eh di naman siya member ng family?. Pinayagan mo naman na sumama rin."
Nawala ata ang antok ko dahil sa balita ni Aly.
Huminga lang siya ng malalim at inilagay ang kanang kamay sa noo niya bago tumingin sa akin.
"Sooner or later, malalaman din naman nila lahat na ikaw ang guardian ni brat.. may katotohanan niyang sabi. tsaka nagsama pa ng isa Gre kambal niya ata". At ngumiwi sa akin.
"Pero kumusta kayo ni Yvonne? Naka score ka ba kagabi". bilis mag shift ng mood ni gaga.
"Titigil ka dyan o tadyakan kita!" Banta ko sa kanya.
Ang gaga kinuha lang ang tuwalya nilagay sa dibdib niya at ginaya si Yvonne pati ang boses.Tumalon-talon pa para umalog ang kunwaring dede niya.
Tonta talaga tong kapatid ko kahit kailan.
Bumaba na ako agad after ko maligo, ako na lang pala ang hinihintay nila. Pwede naman kasi silang kumain di ko naman dala ang kaldero sa kwarto.
Nakita ko agad ang dalawang bagong mukha baka itong blonde hair ang sinabi ni Aly kanina na kambal daw ni Lance the hudas.
Nasaktohan ko pang ipinaghila ni Lance the hudas ng upuan si brat. Sino kayang nag bigay ng permiso sa dalawang to na pumunta rito.
Malilintikan sa akin mamaya.
Pabagsak akong umupo sa may gitna.Dabog na gusto kong sumabog kaya nga ako umiwas ng tatlong linggo dahil sa kanila, pero pilit pa yata na pinaglalapit ng tadhana.
Nasapo ko tuloy ang ulo ko at kunwaring hinilot ang sentido.
Narinig ko pang sabay nagsalita ang dalawa na sina Yvonne at Vanessa kung okay lang ba raw ako.
Alam mo ang mas masakit, wala sa nabanggit o nasa tabi ko ang gusto ko na magtanong niyan. Ayon may katabing iba, pinagsisilbihan ng iba,tumatawa gawa ng iba, ngumingiti gawa ng katabi niya, kumikislap ang mga mata dahil sa kanya, kulang na lang halikan siya sa labi sa harap namin.
Maybe I'm just not enough. I love her for so many years pero sadyang di ako ang hanap ng puso niya. Sabagay, di naman talaga nagiging sapat pag di ka mahal ng isang tao. Di ka naman talaga hahanapin pag may nagbibigay na ng atensyon mo lalo at mahal mo ang taong yun.
Ngumiti lang ako sa dalawa at sinabing may hang over lang dahil kagabi. Pero di naman talaga dahil doon eh, may hang over ako dahil sa pagmamahal na meron ako sa kanya na di niya masuklian.Sabik ako sa atensyon na ibinigay niya kay Lance na never niyang gagawin sa akin. Lasing ako sa nararamdaman ko sa kanya. At di na ata magiging sober kahit anong inom ko ng kape or gamot.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content