Ep.32 (Santa Claus)

2.4K 80 5
                                    

"I hate that I remember
I wish I could forget what you did last December
You left my heart a mess"







Grenade




"Veggies."


Napalingon pa ako kay Aly, kailan pa siya natutong kumain ng gulay sa pagkakatanda ko si brat ang mahilig sa gulay pero siya maghalo na ang apoy at tubig never mong mapapakain ng veggies 'to.

"Sure?" Pag assure ko sa kanya habang namimili ng menu sa cellphone ko dahil via qr code na ang resto na 'to.

"Yeah, cause why not." Bibo niya pang tugon.

Iba talaga nagagawa ng pag ibig ni Fiona sa kanya. Napailing na lang ako sa kapatid ko.



Muntikan pa akong masamid sa smoothie na inorder ko, akala ko pa naman na ang veggies na sinabi nitong kaharap ko ay mala pakbet or mga pinaghalong gulay. Gusto ko siyang murahin na puro carrots at cucumbers lang yun nakikita ko.

"Akala ko ba veggies?" Di ko mapigilan mag comment sa inorder niya.

Tinuro niya pa ang inorder niya bago sumagot sa akin. "Veggies nga ito." Sabay subo ng salad niya. "Carrots and cucumbers belong to veggies, Gre." May pagmamayabang niyang tugon at sarap na sarap sa salad niya.


Napapailing na lang ako, binabawi ko na ang sinabi ko na iba ang nagagawa ng pag ibig. Minsan pala kahit gaano mo kamahal ang isang tao hindi mo siya mapipilit na gustuhin ang isang bagay na hindi naman niya talaga gusto una pa lang.


Parang kami lang ni brat, di ko siya kayang pilitin na mahalin ako sa paraan ko. Iba ang paraan niya ng pagmamahal niya sa akin baka paraan pa rin na isa lang akong guardian para sa kanya parang magulang sa anak while me ang pagmamahal ko sa kanya, pagmamahal ng isang taong in love na may halong banggit na I love you sa paraan na iniibig kita dahil mahal kita hindi dahil mahal kita dahil guardian kita.


Ayon ang wala sa amin ni brat, ako oo mahal ko siya higit pa sa buhay ko, nakikita ko siya bilang asawa ko, bilang magiging isang ina ng mga anak ko pagdating ng panahon. Although, sa iba okay lang na walang magic words but for me kailangan yun, spices yun sa pagmamahalan para may lasa ang relasyon niyo. Pero hindi ko naman ipipilit ang nais ko na pilitin siyang sambitin yung kataga na yun para lang ma satisfy ako. Hindi masarap ang pilit sa hinog nawawala ang tamis ng pag iibigan ninyo kung pilit lang.


Bu I'm hoping that she will shout those words to my ears one day or she will whisper those fucking words to me. Kahit siguro mabingi ako sa pag sigaw niya ng mga kataga na yun ay okay lang sa akin I don't mind, her shout or scream will be my earmuffs basta ayon ang katagang isisigaw niya. Pero napaka labo na yata siguro ang mga iniisip ko kung magkakatotoo man, bumaba ang mga anghel sa lupa.Impossible. Miracle.Shooting star.Elusive.

Nakakatakot na baka isang araw magkakatotoo ang panaginip ko last time, mukhang hindi ko makakaya masakit na nga na panaginip yun ano pa kaya kung actual na. Slips of the tongue, jokes and dreams are half mean. Those are the private thoughts and deep feelings of the individual kumbaga nasa unconscious mind ng bawat tao. Baka 'pag dumating ang sitwasyon na gusto na niyang mag quit sa relasyon namin kahit wag na siyang magpa alam sa akin, okay na okay na ako roon. Umalis na lang siya bigla mas masarap pang pakinggan kahit ako na ang magbibigay ng rationale niya kung bakit hindi kami nag work o hindi nag work ang relasyon namin na dalawa.

I took a long exhale.

"Hey!" Tinapik pa ako ni Aly. "Okay ka lang?" Tingin na nag aalala.

"Yeah, I'm alright, Ly." I smiled at her but she knew me well.

"Are you really sure?" See sabi na eh.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon