Ep.23(Conserva-ossesive)

3.3K 93 0
                                    

"I wanna believe in everything that you say
'Cause it sounds so good
But if you really want me, move slow
There's things about me, you just have to know"




Isabela



"Is that what you called a decent dress?"

Bungad niya agad sa akin pagka upo ko pa lang sa shotgun seat.Ba't ba ano bang problema niya sa suot ko ngayon. Naka office attire lang naman ako ngayon ah a deep low cut mini dress. Di ko naman kasalanan na may maibubuga ako sa harap kahit papano.

"What's wrong with my outfit?" Habang kinakabit ko ang aking seatbelt.

She gave me a bored look.

At tinignan ako mula ulo hanggang paa.Problema niya ba eh hindi naman ako nakikitaan medyo angat nga lang ang aking dibdib pero in a formal way naman. Ayon ang comments ko para sa akin, baka iba kay tanda. Hello, gen Z na ngayon no alangan naman magsuot akong barong at saya dito. Alam mo yung ipu push the button nalang sana niya ang engine, nagdalawang isip pa siya. Gamit niya ngayon ang new model na audi niya.

Ang dali niya talagang ma pissed-off pag usapang damit ko. Ewan ko ba sa kanya, palibhasa matanda na kasi. Kaya ganun siya, eh kung susuriin ko nga ang sexy ko sa suot ko ngayon, secretary at office staff na office staff pero itong asawa ko, mukhang mas gusto niya atang magsuot akong trench coat eh ang init sa pinas. Napaka niya lang talaga, lagi niya talagang pinupuna ang suot ko pati ang eyeglasses ko pag nakalimutan ko na di masuot kaya gumamit akong contact lenses ngayon para iwas sagabal.


"Nothing, pero gusto mo pa bang babaan ang style ng top mo" tagal niya bago nakasagot mukhang pinagiisipan kong sasabihin niya ba sa akin ang comment niya ngayon o hindi. "Kulang na lang nasa pusod ang cut niya eh" dugtong niya pa at akala ko nga hihinto na siya meron pa pala. "Pati yang pencil skirt mo nahiya pa ang slit na umabot hanggang singit mo" puna naman niya sa pencil skirt ko.

Ano ba to siya, lampas tuhod na nga tong skirt ko at nasa medyo mid thigh naman ang slit, okay na okay naman ah. Kaya minsan banas ako sa kanya pag usapang damit magkapatid nga sila ni ate Aly laging namumuna sa mga damit ko, ayon din ang reklamo minsan ni ate Fiona sa akin. Napaka conservative at possessive sa amin, parehas na nga silang may edad na.


Napatawa pa ako sa na isip ko about sa kanila. "Okay naman siya ah, elegant and classy tawag dito no". Kaya kumunot ang noo ni tanders baka iniisip niyang pinagtatawanan ko siya sa mga pinagsasabi niya sa akin. Eh ganun na rin kasi yun.

"Are you laughing at me, brat?" with her fake sarcastic tone and smirk.

Tamo to siya, heto na naman siya sa pag ganyan niya. Dinadaan na naman ako sa alpha of the family na aura niya. Hindi pa man din ako nag uumpisa sa trabaho ko napuna na ako ng boss ko.

"Did I?" Patay malisya ko na sagot sa kanya. Di pa rin kami naka alis mukhang wala siyang balak umalis sa bahay namin.

See.. wala naman pala eh. Nag smirk lang sa akin bilang tugon niya.

Akala ko nga aabutin kami ng lunch sa kaartehan ng asawa ko eh mabuti naisipan paandarin niya ang sasakyan. Pero kahit nasa daan na kami mukhang wala siyang balak kaka reklamo sa suot ko. Maging proud na lang siya, ang sexy at bata ng asawa niya. Duh.. boss boss ka diyan.. ako ang real boss dito no.

"Isang eye roll pa brat, di na babalik yan sa dati" nakita niya ata ang pag eye roll ko. Kasi naman eh nakakairita siya, napaka aga pa para sirain niya ang araw namin.

"Tse.. palibhasa matanda kana kasi kaya di mo alam ang fashion" pero binulong ko na lang yun.

"Wag kang bumulong dyan narinig ko yun" sinalpakan ko siyang wireless headset bahala siya dyan mag daldal. Titigil na yan siya pag alam niya na nag heheadset na ako pero akala ko lang pala yun.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon