Ep.3 (Past)

4.2K 115 4
                                    

"If you ever had something that you wanted to say. You better start talking before I go away"


Grenade

"Happy Birthday, daddylo!"

Narinig ko na lang galing kay Aly kasama ang kanyang asawa na limang buwan ng buntis. Mabuti naman at nakapunta sila rito sa bahay bakasyunan kung hindi sandamakmak na naman na sermon galing kay abuelo ang mangyayari.

Umuwi pa kami dito sa Cebu para lang i-celebrate ang birthday ni daddylo, sabagay taon-taon naman.

Masaya akong kasama ni Aly si Fiona asawa niya mabuti at pinayagan ng ob-gyne nila kahit buntis ito. Masaya rin akong nag asawa na ang gaga kong kaibigan kahit napaka babaero nito dati.

Si daddylo na ang tumayong magulang ko mula pagkabata. Musmos pa lamang ng iniwan na ako ng aking ina. Ang magaling kong ama hindi ko na kilala kung sino siya, aksidente lang daw na nabuntis ang aking ina dahil sa kalasingan. Pero one thing is for sure hindi pinoy ang nakabuntis kay mama. Inuwi na lang daw ako ni mama at binigay kay daddylo at pagkatapos bumalik sa ibang bansa, namatay. Ayon ang kwento sa akin ni daddylo. Kaya minsan ang tawag ni abuelo samin ni Aly ay apo o kaya anak.

Isa pa hindi ko na rin hinanap ang magaling kong ama ba't pa sa yaman at ari-arian pa lang ni daddylo busog na busog ako pati sa pagmamahal. Kaya siguro nakaapekto sa kasarian ko ang nangyari kay mama kaya wala akong tiwala sa mga adan maliban kay daddylo.

Genetics or environmental man ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon wala na akong pakialam.

Isa nalang ang kulang sa amin ngayon.. Si leonor ang isa pang kaibigan namin ni Aly at ina ni bata. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Tapik ni Aly ang nagpabalik sa realidad ko. "Ang lalim nun ah".

"Mabuti at nakapunta ka?"

"Ako pa ba mawawala sa ganitong okayson tsaka si daddylo yan no. Nguso niya kay abuelo. Kilala mo naman yan daig pa ang sampung utos ni mamila tukoy niya sa yumaong asawa ni abuelo kung makapag sermon". Sabay dampot ng chicken wings at sinubo.

Nasa hapag kainan kami ngayon. Kaharap ko si bata habang nasa gilid ko naman sina Aly at Fiona. Si daddylo naman sa may bandang gitna habang abalang-abala sa pagsisilbi ng pagkain sila yaya Buning kasama ng mga tauhan ni abuelo sa pala-isdaan at farm.

Kaya minsan ang sarap umuwi sa probinsya napaka simple lang ng mga tao. Preskong hangin at simpleng pagkain tipong bawat isa hindi iniinda ang kinabukasan. Payak na pamumuhay kumbaga.

Di ko rin naman masisisi ang mga tauhan ni daddylo eh bukod sa Don at mayaman na napaka simple at mabuting tao pa kaya kilalang kilala siya dito sa Cebu.

"G.." tukoy niya sakin. Mukhang alam ko na naman saan pupunta tong usapan ni daddylo. Siniko ako ng gagang katabi ko alam ko rin naman na alam niya eh.

"Po". Magalang na sagot ko.

"Aba'y wala ka man lang ipinakilala o dinala dito na girlfriend sa mansyon apo. Tamo yan si Aly sabay mosyon ng kamay niya sa katabi ko magkaka apo na ako sa tuhod sa kanya. Ikaw may balak ba anak?. Sabi na eh sa isip-isip ko. Ang dami ko kayang nababasa araw-araw sa internet o tabloid na rumored girlfriends mo. Wala ba ni isa sa kanila". Pati ba naman yun pinaniniwalaan niya.

Narinig ko na lang na tumikhim ang gagang katabi ko sabay tawag kay bata at inalok ng buttered shrimps. Sino pa ba eh di ang baliw kong kaibigan. Alam ko naman na may ipinahihiwatig siya sarap lang busalan ng bunganga nito, talaga.

"Daddylo naman eh". Maktol ko.

"Kumilos anak baka maunahan ka". sabay tingin kay bata na wala namang muwang at ngumunguya pa.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon