Ep.34 (Signs & Symptoms)

2.9K 99 12
                                    

"Saw so many pretty faces
Now all I see is you
If you let me inside your world
There's gonna be one less lonely girl"





Grenade



A normal family

A normal family

A normal family

A.Normal.Family.....Gre.



Yeah tama Grenade, gusto niyang maayos at normal na pamilya.Maka ilang beses kaya nag paplay sa utak ko yung salitang binitawan niya may tatlong linggo ng nakaraan. Kahit nga nasa meeting ako kusa na lang nagpa-play yun sa utak ko. Kahit ultimo na nakaupo ako mismo sa swivel chair bigla na lang akong natutulala dahil doon sa sinabi niya, hindi ko nga mawari bakit ayaw lubayan ng isip ko yun. Kahit nagdridrive ako napapa brake na lang ako bigla dahil dumaan na naman ang katagang yun sa utak ko.


What the heck! Baka ayon pa ang dahilan kung bakit ako madidisgrasya, ikamatay ko pa. Gusto kong mag about to face sa naisip ko. Patay agad.



Tulad ngayon kusa na naman siyang nag rerewind sa isip ko wala pa naman akong saktong tulog. Oo, puyat ako dahil kay Isabela.


Hindi ko malaman sa hormones niya naging abnormal yata masyado. May tatlo siyang hormones base sa observation ko, may hungry, clingy at worst. Ang worst ang ayaw ko kasi..basta hindi ko alam kung saan ako lulugar sa kanya nitong mga nagdaang araw. Puyat ako kasi nagluto lang naman ako ng pritong tilapia ayon sa gusto at cravings niya mga alas tres ng madaling araw na siguro yun.


Gusto niya ang fried na fried nakalubog sa mantika mga ganun, ginising niya pa ako para lang ipagluto siya. Mabuti naka grocery si Yaya Buning at may stock.Kung nagkataon baka mangisda pa ako para huliin ang tilapia na gusto niya or ipapabukas ko ng maaga ang talipapa para lang sa cravings ng asawa ko. Nandito pa nga ang talsik ng mantika sa braso ko mga apat 'to.



Napansin niya siguro to kanina kaya ginamot at nilagyan niyang topical ointment. Kasi naman, pag lutuin mo na ako lahat wag lang prito kasi magkaaway kami ng kawali at mantika. Ayaw niya naman gisingin si yaya Buning mas gusto niya raw ang luto ko basta ako raw gagawa o magluluto. Hindi ko alam anong sumapi na espiritu sa asawa ko gusto ko na siyang ipa albularyo. Marami pa siyang hungry hormones na every madaling araw niya ginagawa.... sa akin.



Noong two days ago may isa siyang request na umiikot yata ang pwet at mundo ko kaka ikot sa buong lugar, maghanap daw akong dragon fruit. Lord, saan ako maghahanap nun eh ala una na ng madaling araw gusto ko na ngang tawagan ang kaibigan ko na buksan ang supermarket at mall nila magbabayad na ako kahit magkano mabili at mahanap lang ang dragon fruit niya. Mabuti na lang naisip ko sila Aly at may stock sila save by the bell. Akalain mo yun gigisingin ka lang para hanapin ang rare fruit na yun mag isang oras yata siguro akong mukhang tanga kaka ikot kung may mabibili o mahahanap ba ako o wala.


Pinagtawanan lang ako ni Aly dahil ang stress ko na raw this past few days. Ikaw ba naman walang saktong tulog gabi-gabi. Ang sabi niya lang sa akin basta habaan ko lang daw ang pasensya ko kay brat kung gusto ko raw na mabuhay pa dahil papatayin niya raw ako pag may nangyaring masama sa magiging pamangkin niya. Sira ulo din. Iniisip ko tuloy kung buntis si Isabela pero malabo rin kasi.


Wala kasing morning sickness si Isabela I mean basta normal lang naman siya hindi ko rin nakikitaan ng signs na buntis siya isa pa ang liit ng percentage na makabuntis ako. Ang tanging bago lang sa kanya ay ang somersault ng hormones niya may ilang linggo ng nakaraan.


Sa sobrang weird ng hormones niya lately gusto ko ng tumambling.


Naging nagger wife na rin siya na ultimo limang minuto lang akong late sa call time niya, bakit daw ang tagal ko, saan daw ako nagpunta sino raw kinita ko, sino raw di-nate ko kaya imbis na magalit ako natawa ako kahapon.Jusko po Isabela, seventeen pa lang ako mahal na kita eh ngayon pa kayang asawa ko na siya.


Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon