Ep.2 (Control)

5.1K 154 10
                                    

"Your body lightweight speaks to me"


Grenade

Kasalukuyan kami na kumakain ni Aly sa steak cuisine. Dito na kami dumiretso after ng mahabang meeting namin kanina.

"Gre.. sabay nguso sa kaliwang side ng table namin". May di kalayuan sa pwesto namin.

Nakita ko na lang na pinaghila ng upuan na sinong poncio hudas si bata. Kung hindi ako nagkakamali baka ito yung Lance na sinasabi niya sakin may isang linggo ng nakararaan.

Typical na may kaya sa buhay ang kasama niya ngayon mala Gerald Anderson ang looks typical boy next door ang datingan. Fuck boy ika nga. Naka uniporme pa nga sila sa lagay na yan.

Hindi ata napansin ni bata na nandito rin kami ni Aly kumain ng lunch. Sinipat ko ang wristwatch at may 3 mins pa bago mag alas-dose.

"Ang sweet naman ni guy. Pogi pa, Gre". Sabat nung isa habang ininom ang red wine.

Wala akong paki habang madiin na hinihiwa ang steak na nasa harapan ko.

"Ay, may pa punas pa si guy sa pisngi niya.May ganern. Sana all". Ratrat pa rin ni Aly.

Ako tahimik lang na hinihiwa pa rin yung lintik na steak kung bakit ayaw pa rin humiwalay ang laman sa buto. Ba't ba kasi ribs yung inorder ko.

"Gre... susubuan ata yung beb-- "

"Tatahimik ka riyan o itatarak ko yung kutsilyo sa leeg mo, Aly!". May pagbabanta kong sabi sa kanya.

Habang patuloy pa rin na hinihiwa ang lintik na steak na nasa plato ko.

"Ang sungit eh. Ano ba kasi yang steak mo kanina mo pa yan hinihiwa minurder mo na Gre." Naka smirk niyang ganti sakin.

"Pero alam mo, Gre ang cu-". "Isa pa, Aly kakalimutan kong kaibigan kita at itatarak ko talaga to sayong kutsilyo na hawak ko", pagbabanta ko sa gagang kaharap ko.

"Ho.. sabay kunwaring paypay niya. Ang init ng ulo.. panahon ngayon".

Ang lakas ng trip. Bwisit!

Nang uuyam lang siya alam ko pero nakaka walang gana habang magiliw yung nasa kabilang side namin na kumain kasama ang hudas na yun.Mukhang di niya talaga kami napansin ni Aly sa pwesto namin ngayon.

Hindi ko na nga namalayan na wala na pala sa harapan ko si Aly nakita ko nalang na kumaway si bata sa akin kasama yung gagang alam ko naman na enjoy na enjoy sa nararamdaman ko ngayon.

Ginantihan ko nalang ng tipid na ngiti at pinasadahan na malagkit na tingin yung lalaki na kasama niya ngayon.

"Ma'am may bisita po kayo". Sabad ng secretary ko habang patuloy pa rin sa pagtitipa ng aking laptop.

"Wala akong ineexpect, Dolly. Close to 3pm na rin. Sino ba yan?" sagot ko sa intercom.

"Vanessa raw ko ho ma'am eh".

Punyeta kilala ko yang babaeng yan isa sa mga naka one night stand ko. Makulit yan alam ko malinaw naman sa kanila na walang commitment na mangyayari after.

"Sabihin mo wala ako, Dolly" sabay pindot sa intercom.

Hay naku nakaka stress ang araw na ito.Habang hinihilot ang aking sintido at naglalakbay ang aking isipan partikular sa taong nakikita ko naman araw-araw pero wala akong lakas ng loob umamin.

Yung pangako talaga ng magaling niyang ina ang puno't dulo ng lahat ng to eh.

Bago ako umuwi ng bahay dumaan muna ako sa sementeryo at nag alay ng bulaklak. Death anniversary mo na pala ani ng isip ko habang inaalis ang tuyong dahon sa lapida.Napansin ko rin na may bagong alay ng bulaklak sa gilid ng lapida.Mukhang di ko na kailangan hulaan kung sino ang unang dumalaw sa kanya. Si Aly malamang.

Elusiva TúTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon