"I touch on you more and more every time
Call your name two, three times in a row
Got me looking so crazy right now, your touch
Got me looking, so crazy in love"Isabela
I was watching the back and moves of Grenade. She's doing something on the tombstones. Probably wiping and cleaning it. Our flight was delayed for about four hours because of the climate. May typhoon sa Samar at ilang araw ng hindi talaga okay ang panahon. Kaya lang naman ako sumama kay Ate Fiona kasi gusto niya daw ako ang unang makakaita ng resort na pinapagawa niya. Dati na niyang sinabi sa akin yun. Bago pa lang ang nangyari sa amin ni Gre at ang aksidente ko.
Hindi na niya sinama ang mga asawa namin kasi disturbo lang daw sa lakad namin. Kaya ang ending naiwan sa kanilang dalawa ang mga bata. 'Tas may sad news naman na dumating sa amin. Na ayon nga, namatay si Mang Boy dahil sa atake sa puso. Asawa ni yaya Buning yun. Matagal na rin naninilbihan ang mag asawa kina Gre at Ate Aly. Si Mang Boy ang driver sa mansyon. Second nanay at tatay na rin nilang tatlo kasama ang mommy ko.
Hindi kami nakahabol ni Ate Fiona dahil nga sa walang tigil ang ulan at halos kanselado ang isang linggong flight.
Kanina ko pa kausap ang asawa ko sa cellphone akala niya siguro nasa Samar pa rin kami. Ni hindi nga niya alam na kadarating lang namin at dito na agad ako nagpapababa sa driver nila Ate Aly.
"Hi daw sabi ni Dolly, sayo." As she wiped the lapida. May nagawing tuyong dahon siguro kaya ganun.
"Kumusta na siya? Sana'y okay lang si Ate Dolly. Kamo dadalawin ko siya next week." Sagot ko.
Nag okay lang siya tapos nag tanong ulit. Wala talaga siyang malay na nasa likod niya ako.
"Kailan ka ba babalik? I miss you so much na baby." She continued wiping the tombstone. Pinasok niya pa ang cellphone niya sa bulsa.
She's using wireless earphones.
"Soon, baby. Asan ka ba?" I asked her although alam ko at pinapanood ko nalang siya.
"Bumalik ako ulit dito kasi baka magalit ka sa akin." She added.
Tinawagan ko kasi siya kung nalinis niya ba ang puntod ni mommy. Nag oo naman siya. Pero para hindi daw ako magalit kaya siya bumalik ulit dito ngayon.
Galing pa siguro siya sa office base sa suot niya ngayon.
But I slowly walked to her destination. Hindi pa rin niya naramdaman ang presence ko sa likod. Siguro dahil may nakasaksak na wireless earphones kaya 'di niya rinig ang yapak ko.
"I love you, baby." She said to me, and my tsup pa sa dulo.
Grenade is very vocal to me na sa pag sasabi ng I love you's and miss you's after those tragedy. Siguro dahil na trauma siyang baka iiwan ko talaga siya that time.
"I love you more." I replied. Na medyo may kalakasan kong sabi.
Huminto pa siya at unting tumingin sa likod niya.
She's shocked.Ngumiti at agad na halos patakbong lumapit sa akin.
"Baby! You're here?!" Tinanggal niya ang wireless earphones tsaka patakbong lumapit sa akin.
"Akala ko ba next week pa balik niyo ni Fiona? What happened?" She asked me and kissed me on the lips. "I miss you so much. I love you."
Tinampal ko pa siya. Para kasing ilang taon kaming 'di nagkita eh.
"Ang oa mo, baby. Apat na araw lang kaming nawala." But I hugged her tight. Na miss ko rin naman si Gre. " I miss you too and I love you too." I wiped her tears. "Bakit ka umiyak?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RastgeleIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content