"It's unnatural, You belong to me,
I belong to you"Grenade
"Cheers everyone!" Itinaas ko rin ang wine glass na hawak ko pagkatapos ng aking maikling mensahe sa aking kaarawan.
Ayaw ko naman sana na mag celebrate ng birthday ko eh kung ako lang ang masusunod kaso mapilit si daddylo at Aly kaya pinagbigyan ko na.
Everyone is busy kasama na sa mga dumalo sila Samantha at ang pamilya nito na galing pa ng Cebu.Sila Vanessa rin ay nandito, na kasalukuyan ngayon kausap ni daddylo kasama ang ama nito, kung tungkol saan ang pinag uusapan nila hindi ko rin alam. Most of them ay puro businessman mga kasabayan o katapat ko sa negosyo.
Si Aly naman ay nasa kabilang banda ko lang inaalalayan ang kanyang buntis na asawa na si Fiona.
Pero may isang tao lang talaga akong hinahanap magmula kanina. Ewan ko ba kung saan banda na siya ngayon. Konti lang naman sana ang mga bisita ko pero di ko siya makita-kita.
May kanya-kanyang ginagawa ang mga tao dito ako lang tong tahimik at sinisipat pa rin ang mata para sa iisang tao. Magmula ata nung mga ilang buwan wala na kaming matinong pagkikita at pag uusap. Kung meron man, she will send a message about her school fees but about her personal as in zero na dati rati ipinapaalam pa niya sa akin.It's totally and suddenly changed, alam ko na may mali pero I think we both need a space.
Nakita ko na lang ang bulto niya or mas tamang sabihin nila Lance na galing sila sa loob ng mansyon habang masayang nakikipag kwentuhan sa isa't-isa. Kumunot pa ang noo ko na magkahawak kamay pa sila. Papuntang direksyon ni lolo na wari'y ipinakilala kay abuelo ang kasama niya. Nakita ko na lang na kinamayan niya si daddylo na ikinangiti ng malapad ng isa.
She's wearing a cowl neck skater midi dress with open back na kulay sage green. Elegant at the same time she's a totally fine woman now.
Yung tuwa ko sana dahil akin ang araw na ito mukhang di ko ata magagawa ngayon. Lalo ng isinandig niya ang kanyang katawan kay Lance na hinapit naman ng isa ang bewang niya. Not in a sensual way kung titignan ko nga may galang pa eh.
I scanned her face today na emphasized ata ng make up artist niya ngayon ang soft features niya with her crystal drop earrings na silver, kumikinang pa pag gumagalaw siya plus her hairdo na pinusod lang. What a lucky man.Tuya ng isip ko sa katabi niya.
Nararamdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa gawi ko at nahuli niya akong nakatingin sa pwesto nila. Pero imbis na bigyan niya ako ng ngiti mas nilapit niya pa ang katawan kay Lance at yumakap din ito sa bewang ng lalaki.
What a gift from them.
"Hey, Happy Birthday to you". Naagaw lang ang atensyon ko kay Samantha ng nagsalita siya sa likod ko.
"Yeah. Thank you, nag abala pa kayong pumunta rito" sabay beso sa akin. "Makulit talaga si daddylo". Dugtong ko pa.
"Okay lang naman, may business din si dad dito". Refer niya sa Manila at inalalayan ko siya papunta sa pwesto nila Aly.
Samantha has it all beauty and brain. Nanalo ata siyang Miss Philippines way back then kung di ako nagkakamali. Pero ayaw talagang tumibok ng puso ko sa kanya although di naman namin pinag uusapan ang tungkol sa sinabi ni lolo dati.
![](https://img.wattpad.com/cover/325539592-288-k112703.jpg)
BINABASA MO ANG
Elusiva Tú
RandomIs she really my queen? Kahit nasa iba siyang palasyo. Should I really pick up these broken pieces, til I'm bleeding? If that's the way I can call her mine. For God's sake. She's only 20 years old! Warning: Gxg Mature Content