“BACK TO PHILIPPINES”
NATHALIE POV;
Napa buntong hininga ako ng nasa airport na kami ng pilipinas this is it!Wala ng atrasan.
“Yoohooo!!!Nandito na tayo!!!”Sigaw ng dalawa kaya napatignin ako sa kanila at kumunot ang noo excited?.
“Tara na mag para na tayo ng Taxi!!”Sabi ni Megan kaya tumango ako.
Nagpara ako ng taxi huminto namn si kuyang driver at lumabas tinulungan niya kami sa bagahe namin kaya nagpasalamat ako.
Pumasok kami sa loob ng sasakyan nasa likod kaming dalawa ni Natalia at nasa passenger namn si Megan.
“Saan po tayo Sir?”Sabi ni Manong sinabi ko na lang kay kuyang manong kung saan kami pupunta dahil naka taas ang kilay ni Megan kay kuya pfft.
Niyakap ko Na lang si Natalia na natutulog na ngayon.
Tama ba toh?Ang bumalik dito?Para lang masilayan niya lang ang Daddy niya?Hays.
_____
Nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko dahan dahan kong binuksan ang talukap ng mata ko at bumungad sakin si Natalia na naka ngiti nakatulog pala ako tinignan ko ang relo ko at 9 am palang ng umaga maaga pa.“Nandito na tayo gumising kana!”Sigaw ni Megan sa labas kaya inayos ko ang sarili ko at lumabas inalalayan ko si Natalia na bumaba sa taxi lumingon ako sa paligid at nandito na kami sa bahay nila mommy.
Kita ko si Megan na siya na ang nagbayad kay kuya manong at umalis na si manong siya na ang nagbuhat ng mga bagahe namin.
Napa ngiti ako ngumiti ako kay Natalia at inaya siyang maglakad palapit sa gate namin.
Nag door bell ako at ilan sandali pa ay may nagbukas non isang maid.
“Sino po sila?”Tanong ni Ate bago lang ata siya dito ngumiti ako sa kanya at tumingin sa loob.
“Andyan ba si Mommy?”Tanong ko nanlaki ang mata ni ate kaya napatawa ako ng mahina.
“Kayo po ba yon anak ni Ma'am Diana?”Tumango ako at ngumiti napakamot ng batok si ate at binuksan ng tuluyan ang gate dahil nakasilip lang siya pfft.
“Sorry po Ma'am tuloy po kayo”Sabi niya ngumiti ako sa kanya at inaya sila Megan.
Lumingon lingon sila sa paligid at namangha para namn ano tsk.
“Mommy where are we?”Tanong ni Natalia Pumasok muna kami sa loob ng bahay bago siya sinagot.
“In your Grandmother”Sabi ko lumaki ang mata niya at kuminang din ang mata niya.
“Where's Lola?”Tanong niya.
Nakarinig kami ng yapak kaya napatignin kami dito.
Napatigil si mommy sa paglapit samin at napatulala ng makita ako.
Biglang tumulo ang luha niya at dali dali akong niyakap napatawa ako ng mahina at niyakap siya pabalik.
“Jusko anak bakit ngayon ka lang bumalik alam mo bang nagaalala ako palagi sayo!”Kumalas siya sa pagyayakap sakin at hinawakan ang pisngi ko ngumiti ako sa kanya.
“I'm sorry mom Kamusta kana ma?Batang bata pa mukha mo ah hahaha”Tawa ko napatawa na rin si mommy at hinampas ako sa braso.
“Ikaw talaga halika nga dito miss na miss na kita”Saad niya at niyakap ako niyakap ko rin siya.
Napalingon kami ng may bigla may sumigaw kumalas sakin si mommy at tiningnan kong sino ang sumigaw napangiti ako ng malawak ng si Lucas yon
“AATTEEEE!!!!YOURRR BAACCCKKK”Sigaw ni Lucas at sa isang iglap lang ay nakayakap na siya sakin.