Chapter 14 "NATH!"

953 43 0
                                    

“NATH!”

2 𝐷𝑎𝑦𝑠 𝐿𝑎𝑡𝑒𝑟
NATHALIE POV;

Napa buntong hininga na lang ako dahil wala akong magawa sa bahay kung bisatahin ko kaya si Lucas at si Mommy miss ko na rin sila Nag aaral na rin si Lucas sa school na kung saan doon din kami pumapasok sa SU (SANFORD UNIVERSITY).

Napag pasyahan kong maligo dahil 9:45 am na pala sabado ngayon kaya wala akong magawa.

Natapos na akong naligo tapos yon nag suot lang ako ng Jeans at T-shirt na kulay white di ako sanay mag dress kinuha ko na yon wallet ko kasi di rin ako sanay na mag bag na pambabae.

Bumaba na ako pero wrong timing may kahalikan ibang babae na namn si Kuya Oliver:)Nakapatong yon babae kay kuya sarap na sarap pa yon dalawa.
Hindi namn masakit sa mata.

Parang nag iba ang mood ko Dahil parang sinasaksak ng libo libong kutsilyo yon puso ko di ko malaman kong bakit.

Parang gusto kong tumakbo at magpakalayo layo.

“Oh anak andyan ka na pala Kain na”Sabi ni nanay kaya natigil ang paghahalikan nila.

Tumingin ako kay nanay ng may ngiti sa labi yon sobrang tamis Umiling lang ako sa kanya.

“Hindi napo nay may pupuntahan pa kasi ako”Saad ko at tumango lang siya at ngumiti.

“Sige mag-iingat ka ha umuwi ka ng maaga”Tumango lang ako at hinarap sila kuya nagulat siya tsk nagulat siya dahil nag iba ang aura ko pagka lingon ko sa kanila.

“Una na po ako nay tsaka wag niyo napo ako hintayin di po ako uuwi”Malamig kong sabi at tinalikuran sila.

Napatigil ako ng mag salita si kuya sa likod.

“Where are you going?!”Ngumisi ako.

“Don't mind me KUYA Yan GIRLFRIEND mo ang asikasuhin mo”Dinin ko talaga ang kuya at yon girlfriend tsk wala ako sa mood makipag talo sayo.

Pakiramdam ko kahit anong oras tutulo na ang luha ko.

“Una na ako”Malamig kong sabi at naglakad na kinuha ko ang susi ng motor ko kasi tamad akong sumakay sa taxi.

Lumabas na ako at pinuntahan ko ang motor ko sinuot ko na ang helmet bago paandarin yon motor.

Pinaandar ko na ang motor ko at bago ako umandar eh nakita ko pa si kuya sa labas ng bahay na masama ang tignin sakin tsk.

Umalis na ako sa mansyon na yon dahil feeling ko Tutulo na ang luha ko di ko alam bat ako nasasaktan sa mga nakikita ko.

Binalewala ko na ang luhang tumutulo sakin at napagpasyahan pumunta kila ate miracle don muna ako baka kapag nakita nila ako nila mommy na umiiyak baka magtanong at mag tanong sila.
_____

“Here's water”Sabi ni Ate Miracle at inabot ang tubig sakin nag thank you ako sa kanya at naupo siya sa tabi ko nasa bahay na nila ako kakarating ko lang mabuti at wala si kuya Matth  dito nasa kompanya nila.

Musta na rin kaya yon kompanya namin?.

“Hmm bakit ka nga pala umiiyak ng pagkarating mo dito may problema kaba?Nag away ba kayo ni Oliver?”Sunod na sunod na tanong ni ate napa simangot na lang ako at ngumiti ayaw ko munang sabihin sa kanya ehehe.

“Wala ate napuwing lang ako habang nag dridrive hehe”sabi ko habang may ngiti na peke.

“Sure ka huh?Oh sige anong gusto mong gawin natin dito?Or mag mall na lang tayo?”Tumango ako at ngumiti.

“Dito na lang tayo ate Manuod na lang tayo”Saad ko ngumiti siya at hinila ako sa isang kwarto na pang movie's room ang ganda niya bhe.
_____

Mafia's Wife (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon