Chapter I: Ophidiophobia

4.3K 140 51
                                    

Kahel

OPHIDIOPHOBIA—ito ang matinding takot sa mga ahas. Sa isang binatang kagaya ko na napalibutan nito nang minsan kaming ma-kidnap, tama lang na magkaroon ako ng phobia sa kanila. Hindi ko na gaanong maalaala ang araw na iyon. Dala na rin siguro ng troma.

Pero heto ako, katapat ang lalaking kasama ko nang madukot kami noong kami ay mga bata pa. Ito siya, customer ko na sa trabaho. Kinandado niya ako sa dressing room kasama niya habang ako ay pinagtritripan.

"Labo! Robinson ang apelyido mo pero sa S.M. ka nagtratrabaho?" panimulang pagsira ni Drake sa araw ko.

"Anything else you need, Mr. Drake Slater Valentino?"

Alam kong ayaw niyang tinatawag siya sa kanyang buong pangalan. Ewan ko kung bakit pero sa tuwing tinatawag siya ng iba naming kababata noon nang ganoon, madali siyang nagagalit.

Pero hindi kapag ako.

"Whatever, boy labo," he snorted.

Nakatingin ako sa itsura ko sa salamin sa loob ng dressing room. Ewan ko ba kung bakit single pa rin ako. Guwapo naman ako. Brown ang aking buhok, maputi ang aking balat at brown ang aking mata dahil Amerikano ang tatay ko. Sa kinis ng aking kutis, kapal ng aking kilay, madali akong nakapasok sa trabahong ito bilang sales clerk sa sikat na mall sa Maynila. Ilang taon pa ay mabilis rin akong na promote kahit nag-aaral ako sa weekdays. Hindi naman ako ganoon katangkaran, 5' 9" noong huling kong sukat. Kung mayroon man akong kapintasan, siguro iyon ay ang malabo kong mata. Nakasuot ako ng salamin na humahamog na dahil sa init na nagmumula sa binatang kasama ko.

"Ang sikip naman nitong pantalon, Kahel. Hindi kasya ang —"

Sa harap ko ay si Drake. Abala siya sa pambubuwiset sa akin. Pareho na kaming nasa edad na labing-siyam. Nakatitig ako sa kanya mula sa salamin ng dressing room. Nakayuko siya habang isinusuot ang kanyang pantalon. May kalakihan ang katawan ni gago. Halatang batak sa basketball at soccer ng school na pinapasukan namin.

"Potek Kahel, kahit itutok ko 'to sa 9 'oclock or 3, bumabakat pa rin sa pantalon na binigay mo."

Ang ganda ng kutis ni Drake. Lamang lang sa akin ng dalawang ligo. Kumikinang na halos ang balat niyang maputi. Halatang may lahi siyang kalahating Griyego. Daig pa ang isang kargador sa matitigas na muscle niya sa likod. Marahan siyang tumayo. Napatingin ako sa matipuno niyang dibdib at walong pandesal an nakahain sa kanyang harapan. Ang buhok niya ay kulay ginto at ang tangkad ay 6' 2". Malalim ang kanyang mga mata, mahahaba ang pilikmata, umiigting ang panga, matangos ang ilong- in short, perpekto.

"Ayan, boy labo, nagkasya na!"

Nagtama ang aming mga mata sa salamin. Ang mga mata niyang parang pares ng emeraldo. Mas luntian pa sa anumang diyamanteng nakita ko. Nginitian niya ako bago kinindatan.

His face is like art.

"Anong tinitingin-tingin mo?" tumatawa niyang puna. "Nagwagwaapuhan ka sa akin 'no?"

Binabawi ko ang sinabi ko, his face is like a punching bag na gusto kong sapakin kung hindi lang ako nakauniporme.

"Mas guwapo pa sa iyo ang crush ko," pang-aasar ko.

"Sino na naman iyon Kahel, aber?" maangas niyang tanong. Flinex niya ang kanyang likod na sobrang matikas. Sa tigas ng mga muscles niya ay tila may hugis pakpak na sa kanyang likuran.

"Wala po, sir. Puwede na po ba akong lumabas? Marami pa po kasing customer," pabalang kong sagot. Inikutan ko siya ng mata.

"Diyan ka lang, hindi pa ako tapos. Tsaka buti nga bumibili ako sa binabantayan mong brand. Malamang buong araw wala kang tinda."

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon