Kahel
VIOLET–Ang kulay na kadalasang inihahalintulad sa mga maharlika. Ngunit para sa akin, nasasaklaw nito ang mga kulay patungkol sa kuwentong alamat, mahika at piksyon. Kadalasan kasi ay kulay lila ang mga librong nababasa ko na patungkol sa mga ganoong paksa. Maliban sa kahel at kalimbahin, lila ang isa sa mga paboritong kulay ng yumao kong ama.
"Gusto kong sumama!" Nagwawala si Lila sa harapan ko. Nakaharang ang tingting niyang katawan sa pintuan ng aking kuwarto at pinipigilan akong lumabas. "May ipon naman ako, tsaka pwede akong mag palibre sa jowa mo!"
Kumuha ako ng unan at ibinato sa kanya.
"Baliw!" halakhak ko. "Sandali lang kami roon at walang kasama si mama rito."
Pinalobo niya ang kanyang pisngi. Naghalukipkip siya sabay alis sa pinto.
"Ano ba kasing gagawin mo roon, Kuya?"
"May hahanapin lang akong tao."
"Sino?"
"Ang dami mong tanong." Pinisil ko ang bilbil niya. Agad siyang napaiwas sabay sunud-sunod ang palo sa balikat ko. "Basta, importante. Kung puwede lang kitang isama ay isasama talaga kita."
"Sige na nga, gagamitin ko na ang secret funds namin!" giit niya.
"Anong secret funds?" pagtataka ko. Napakamot ako sa aking ulo. "Tsaka, sinong kayo?"
Mabilis na lumabas ng kuwarto ang kapatid ko. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik ako sa pagtutupi ng damit. In just a few minutes, I could hear her signature run sa bahay namin. Y'ong kumakandirit na may kasamang langitngit ng kahoy na gawa sa narra.
"Ito, ang dami kong pera!" Sa harapan niya ay isang malaking garapon. Kasing laki ng isang galon ng mineral water. Puno ng perang papel na tag-iisang daan tapos may mga barya pa sa ilalim.
"Hala!" Napa-gasp ako. Kilala ko kasing gastador itong si Lila. Ang pera niya ay laging napupunta kabibili ng poster ng BTS o 'di kaya mga libro ng Pop Fiction at iba pang Wattpad books. Worse, the way she could have gotten it. Mandalas na siyang mangtorture at mag-scam ng mga kaklase niya in exchange for her giving them favors. "Saan mo kinuha iyan?"
"Sa group namin, treasurer kasi ako roon."
Umupo siya sa gilid ng kama ko. Agad niyang itinaktak ang laman ng garapon.
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagtutupi ng gamit habang may iniipit na siyang pera sa garter ng panty niya.
"'Yong Math teaacher ang vice president ng grupo namin, 'yong librarian ang secretary at si Annie na friend mo ang nagaasikaso ng merchendise," saad niya na parang umaawit pa.
Bigla akong natigilan. Nagpanting ang tenga ko.
"Merchandise? Annie? Teka nga," sabi ko. Marahan akong lumapit sa kaniya. "Parang may common denominator ang lahat ng mga taong sinabi mo ha?"
Tumatawa na si Lila habang nagmamadaling ibalik ang mga pera sa loob ng garapon niya. Bigla kong hinawakan ang bote.
"Amin na iyan, Lila!"
"Ano ba, kuya! Ipon ng fans club namin 'to!"
"At anong fans club iyan, aber?"
"Sa Bukake."
Sabi na nga ba! Iyong fans club namin ni ungas na kumakalat sa school!
"Walang hiya ka, pinagkakitaan mo pa ako." Hinihila ko ang garapon. Pero para siyang linta kung makakapit. Natatawa na lang ako sa itsura namin. "Tapos, balak mo pang nakawin para makapasyal ka!"
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon