Chapter XXIV: Gorgon

774 63 44
                                    

Kahel

GORGON—isang nilalang sa Greek mythology na may mga buhok na ahas at may mga matang kayang gawing bato ang sinumang titigan nito.

Inilipat ko ang pahina ng libro. Nakapalobo ang aking pisngi habang iniintindi ang mga bagay na binabasa ko. Nakaupo ako sa ilalim ng classic literature aisle sa library. Bandang dulo, maalikabok at hindi maririnig masyado kung may sumigaw man rito. Walang gaanong tao at tanging amoy ng lumang libro lamang ang sumisiksik sa sensitibo kong ilong. Nakadikit ang puwet ko sa sahig at sa kanan ko ay ang kumpol ng patung-patong na libro.

"The term "gorgon" alludes to a variety of creatures, but it is most usually used to describe three sisters who are claimed to have horrific faces that turned anybody who saw them to stone and hair made of real, deadly snakes."

Natigilan akong bigla. Ramdam ko ang bola ng laway na nilunok ko habang binabasa ang mga sunod na kataga.

"There were three gorgon sisters that were famous in classic literature: Stheno, Euryale, and Medu—"

"What are you reading, Ed?"

Biglang sumulpot si Matthew sa harapan ko. Agad kong itinago ang libro sa aking likod.

"Ah, wala. Naghahanap lang ng resources para sa literature."

Napayuko si Matthew sa gilid ko. Napanguso siya sa akin nang mapansin ang mga nakapatong na libro na maghapon kong binasa.

"Iliad and Odyssey?" ani niya. "Those are classics and are really good books."

Mabilis niya akong tinabihan. Kumuha siya ng aklat at parang bata na tahimik na nagbasa sa aking kanan.

"So, anong sinabi sa iyo ni Lance?"

Napatingin ako sa kaniya bigla. Nakasubsob pa rin ang mukha niya sa libro. Gumagalaw ang kanyang mga labi habang mahinang binubulong ang mga salitang kaniyang binabasa.

"Ayun, nag-sorry. Tanggap naman niyang kasalanan niya."

"Dapat lang." Bigla niyang isinirado ang aklat. Tumayo siya at lumipat ng puwesto sa harapan ko. "So, how do you feel?"

Natigilan ako sa tanong niya. Napapikit akong bigla habang inaalala ang mga huling sinabi sa akin ni Lance noong isang linggo.

"Bakit mo tinatanong?"

"Well, it's been a week since you talked and hindi ka sa akin nagkukuwento. And it has been a big elephant in the room, kaya—"

"I'm okay, Mat."

"You sure?"

"I think."

Kinuha niya ang isang kamay ko. Ikinulong niya sa dalawa niyang palad sabay dikit sa kaniyang pisngi.

"Ed, you know you can tell me anything." Napatingala siyang bigla. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang iniikot niya ang kaniyang paningin sa buong silid-aklatan. "Remember the first day we met?"

Kusang kumurba pataas ang mga labi ko. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero pinahiram ko muna sa kaniya.

"Syempre, espesyal ang araw na iyon."

"It was in a library like this back in high school." Tinignan niya ako ulit. Sinimulan niyang haplusin ang buhok ko. "I found you crying in an aisle like this mula noong alisin ka sa swimming team."

"Hindi mo na kailangang ipaalala. You were one of the good things that happened on that mournful day."

"Oo nga, para kang batang uhugin noon, Ed. Ang dami mong sipon."

"Ikaw nga amoy libro kasi sabi mo sa library ka na nakatira."

We started laughing. Tinawanan namin ang masasayang alaala sa araw na iyon.

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon