Kahel
EX—Nakaraan, nakalipas, dating karelasyon! Ito ang mga taong dating kapareha mo pero sa kung anumang kadahilanan ay naghiwalay kayo.
Nang maisuot ko na pang-ibaba ni Drake ay mabilis akong napaatras. Kasabay ng paghakbang ko patalikod ay pagyakap ni Rebecca sa kaniya.
"D! Are you okay? May masakit ba sa iyo?"
"Ayos lang ako," nakangiting tugon ni ungas. Panay pa ang hawi niya sa buhok ng babae habang nakahiga sa dibdib niya. "Siya nga pala, Rebecca, this is Kahel. Kahel this is—"
"His girlfriend."
"Ex-girlfriend!" pagtatama ni ungas.
Wala akong reaksyon. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Panay ang yakap sa kaniya ng babae habang siya ay tila natutuwa pa habang pinanggigigilan nito ang mga muscles niya.
"I should leave," nahihiya kong sambit.
Kumuha ako ng alcogel, ipinaligo sa kamay ko. Kinuskos ko sa mga palad ko habang nakatingin sa akin si Drake. Gusto kong makita niya kung paano ako nandidiri sa hinawakan ko.
"Kahel, teka lang—"
Hindi niya natuloy. Namilipit na naman siya sa sakit. Kinuha ko ang bag ko. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa labas.
"O, saan ka pupunta, Robinson. Ang pasyente mo," saway sa akin ni doc.
"Magaling na siya doc. Nandiyan na ang girlfriend," pabalang kong sagot.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad habang si doc naman ay mabilis na pumasok sa kuwarto.
Natagpuan ko ang aking sarili sa susunod na klase. Nakaupo ako sa harapan dahil mas madali kong makikita ang itinuturo ng guro namin.
Medyo lumalabo na kasi ang salamin ko, kailangan ko nang ipa-adjust ang grado pero wala pa akong budget. Kinuha ko ang scientific calculator. I tried computing how much I could save for the rest of the month from my books and rent to go to the ophthalmologist.
"Class, gayahin niyo itong si Robinson. Hindi pa ako nagtatanong ng solution pero kino-compute na niya agad."
Napatingala akong bigla. Nakangiti sa akin ang Pharmacology teacher namin na si Ma'am Buena habang tadtad ng formula at conversion ang white board sa kaniyang likuran.
"Sige Robinson, how many milliliters per hour?"
"Ah, eh—" Taragis na buhay 'to. Kaya nga ako nag Nursing para walang Math.
"Nandiyan sa board ang formula, susundan mo na lang."
Nakita ko ang ang mga numero sa pader. Naalala ko ang mga notes na hiniram ko kay Senpai Kyo noong nasa Tarlac pa ako. Suddenly, I was able to grasp the concept.
"20 po."
"Very good!"
Senpai Kyosuke, hulog ka talaga ng langit!
Nagpatuloy sa pagtuturo si Ma'am. Nasa kalagitnaan na siya ng klase nang biglang pumasok ng kuwarto si Drake.
"Kahel! She's not my girlfriend!"
Hinihingal pa si gago habang nakatayo sa pinto. Nakatingin sa kaniya ang lahat. Kitang-kita ko kung paano gumalaw na tila mga alon ang ulo ng mga kaklase ko mula sa kaniya patungo sa akin. Sabay-sabay silang napangiti. Itinakip ko sa mukha ko ang scientific calculator ko.
"Mr. Valentino! Can't you see I'm in the middle of the class?"
"Pasensya na po, Ma'am. Emergency lang."
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon