Kahel
SICKLE—Sa Tagalog, karit. Ito iyong hugis crescent moon na patalim na ginagamit upang pantabas ng damo. Sa tagal ng pagbisita ko sa bahay ng mga Valentino, naipaliwanag na sa akin ni Tita Cherry ang sakit ng kalaro ko.
Drake has Sickle Cell Anemia. His red blood cells have an abnormal sickle shape that causes them to clump together in the blood stream, which could lead to stroke or other conditions.
Sa murang edad kong iyon, knowing what my dear friend is going through, subconsciously, I already knew what I wanted to be when I grew up.
Sabado ng hapon. Inimbitahan ng Mommy ni Drake halos lahat ng bata sa bayan para sa pagdiriwang ng kaarawan ng anak n'ya. Napakaraming tao. Ang mga bata sa kanto na lagi kong katunggali sa Chinese garter ay ayos na ayos ang porma habang nagtatakbuhan sa mansion.
Kasama ko si Kuya Kalim at Kuya Kyo samantalang si Lila naman ay karga ni Mama. Abala ang kuya ko sa pakikipagdaldalan sa kaibigan niya at ang nanay ko naman ay agad na nagtungo sa kusina upang tulungan sa paghahanda si Tita Cherry.
Naiwan akong nakatayo sa entrada. Nakayuko lang ako. Pinagmamasdan ko ang maluwag kong polo na pinaglumaan na ng Kuya ko at ang sapatos kong mapusyaw na ang kulay.
Napatingin ako sa mga bata. Lahat sila ay magkakasundo at halatang lagi silang naglalaro sa plaza. Tumayo ako sa gilid malapit sa bintana. Panay ang usisa ko sa damit kong nakakahiya habang nakayuko sa sulok.
"Psst!"
Mabilis na umangat ang ulo ko. Kasabay ng pamilyar na sitsit ay halakhak niya.
"Kahel, over here!"
Nakatago si Drake sa likod ng malaking kurtina. Nasisinagan ng araw mula sa labas ang kaniyang buhok na lalong nagpapakintab sa mga ito. Nakangiti siya sa akin habang binabalot ng kurtina ang katawan niya.
"Anong ginagawa mo riyan, Drake?"
"I am hiding. Mommy made me wear this."
Ipinakita niya sa akin ang suot niya. Naka costume siya na parang isang prinsipe. Kulay pula na may kasama pang kapa na kulay bughaw.
"Wow, ang gaganda talaga ng suot mo, samantalang itong sa akin—"
Hindi niya ako pinatapos. Mabilis niya akong hinila papasok sa likod ng kurtina sabay takip sa aming dalawa.
Kulay luntian ang kurtina. Sa kaliwa ko ay ang bintana na tila nagsisilbing dilaw na bumbilya na iniilawan ang maamong mukha ni Drake na tanging nakikita ko.
"Huwag kang maingay," halakhak niya.
Bigla kong napansin ang sinabi niya.
"Marunong ka nang magtagalog?"
"Oo, Kahel. I asked Alfred to teach me more so that I could make kausap for you easily."
Ramdam kong gumuhit ang mga labi ko. Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa sinabi niya. Medyo naiilang din ako dahil may punto pa ang kaniyang Tagalog.
"Teka, bakit ka ba nagtatago?"
"Ang dami kasing people. I'm not used to them."
"Sus! Kaya mo 'yan. Ikaw nga unang kumausap sa akin noong una kitang nakita sa gate, e."
Nginitian niya ulit ako. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay sabay hatak papunta sa gilid na hagdan.
"Teka, saan mo ko dadalhin?"
"Let's play in my room."
"Pero andito ang mga bisita mo."
"I don't want them. Ikaw lang ang gusto ko."
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon