Chapter XIV: Narcissism

1.1K 81 27
                                    

Kahel

NARCISSISM—the feeling of an unreasonable high sense of self-importance. It is sometimes normal, unless it becomes a threat to one's self and others. Then it becomes a mental disorder. Hango ito sa alamat ni Narcissus. Kung paano siya nahumaling sa sarili niya. Wala siyang ginawa kung hindi ang titigan ang sarili niyang repleksyon sa tubig hanggang sa maging isa na lamang siyang bulaklak sa tabi ng ilog.

Parang itong kaharap ko, narcissistic. May binaon siyang mga costume na gagamitin namin sa pag-record ng video. Pinasuot niya sa amin ang mga makalumang damit na pang Griyego pero soccer shoes ang suot naming sapatos.

"Siyempre, ako si Hercules, ako ang bida," pagyayabang ni Drake sa harap ko.

Nakasuot kami ng pawang maninipis na I tela. White robe na kadalasang suot ng mga Greeks sa mga mythology movies na mapapanood sa mga pelikula.

Siya raw si Hercules. Kalahati lang ng dibdib niya ang natatakpan ng I tela. Nakalabas ang malalaki niyang braso at ang kaliwa niyang dibdib na parang monay na sa laki.

"Do you like what you see?" he said when he caught me staring at him.

"Ulol!"

"Dahil dito," he squeezed his chest. "Mas darami ang views ng project natin."

"Idiot."

He was flexing his muscles before reaching for my feet. Nakayuko siya sa harapan ko habang sinisuguradong maayos ang pagkakasintas ng aking sapatos.

"And who might I be?" tanong ko.

"Ikaw ang sidekick ko," halakhak niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. I just want this to get over with. Pero naiilang ako dahil sa pakpak na ikinabit niya sa likuran ko.

"Are the wings even necessary?"

"Oo, ikaw si Eros. Ganyan talaga, may pakpak."

Gamit ang palasong props na nakasabit sa likod ko ay kinamot ko ang ulo ko. Nang matapos siya sa pagtali ng sapatos ko ay agad siyang tumayo at inayos naman ang aking buhok.

"There, you look so cute, Kahel."

Kinagat ko ang aking labi. His huge arms were in front of me as he tried fixing my hair. Nakatingin ako sa mga braso niyang pumuputok maging sa mabauhok niyang kilikili sa harapan ko. I hate to admit it, but he really looks as manly as hell.

Nakatitig lang siya sa aking ulo habang inaayos ang bakal na laurel sa aking tainga.

"Tama na nga, yan!" Hinawi ko agad ang kamay niya. "So, anong balak natin sa video?"

"We can make a sex scandal—"

"Gago!"

Mabilis siyang humalakhak. Lumayo siya sa akin nang mapansin niyang aambahan ko na siya ng palaso.

"Joke lang, ito naman."

"Ano na nga, ungas?"

He moved two steps away from me. Inilabas niya ang cell phone niya at inabot sa akin.

"You just have to record me while I play soccer."

Narcissistic talaga. Gusto niya, siya lang ang nasa video.

"E, paano ako?"

"You'll be in the video too," sabi ni Drake. Bigla niyang sinenyasan sila Senpai Kyo at Kuya Kalim na nasa bleachers.

Mabilis na pinalipad ni Senpai Kyo ang camera drone papunta sa itaas naming dalawa ni Drake.

"Fine," bulong ko.

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon