Chapter XXVII: Oubaitori

735 61 41
                                    

Kahel

OUBAITORY—(Japanese idiom) The idea that people, like flowers, bloom in their own time and in their own individual ways.

Nakarating na ako sa Poseidon Ocean Park. Pinagbuksan ako ng dressing room ni kuya Tom sabay abot sa akin ng isang malaking supot.

"O, ito."

"Ano iyan, Kuya?"

"Ibinalik na ng kaibigan mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang mermaid tail ko."

"Sa susunod Kahel, ingatan mo at nang hindi mawala, ha?"

"Yes, Kuya." Nakasalundo pa ako sa kaniya na parang sundalo. Naalala ko ang taong nagtago ng buntot ko. Bigla akong napatingin sa paligid. "Kanina pa ba niya hinatid?"

"Oo."

Bahagya akong nalungkot. Kahit papaano ay unti-unti nang gumagaan ang loob ko ulit kay Lance.

Maybe, just maybe, for him to ask for forgiveness is the one I have been waiting for. Mukha namang nagsisisi na siya sa ginawa niya. And for him to have that medical condition, parang hindi naman na tama.

Awang-awa ako sa itsura niya during the dodge ball. Deep down, I know. He wanted to score those points, kahit namimilipit na siya dahil alam niyang nakasalalay ang scholarship ko.

Sinimulan kong yakapin ang buntot sabay tingin sa locker sa tabi ko.

"Pero kung hinahanap mo siya, tignan mo roon sa loob," saad ni Kuya Tom.

"Loob?"

"Just get changed and head to the aquarium."

I took off my shirt. I put my swimming trunks on. Outside the dressing room, there is a small hallway leading to the underground hall. Doon ay umiikot ang mga guests habang pinagmamasdan ang mga lamang-dagat mula sa salamin ng malaking pabilog na aquarium.

Then, I saw him. Lance. His perfect trapezius and external oblique, developed over years of swimming training, along with his toned chest and abs.

Pinagkakaguluhan siya ng mga dalaga. Pero nakatoon siya sa mga bata. He is wearing a royal blue mermaid tail with a touch of mint green fins on the edges.

Mine is a pink one with ruby red scales along the center.

"He applied here too," biglang sabi ni Kuya Tom na nasa tabi ko na pala. Walang reaksyon sa mukha ko. And knowing Kuya Tom, seeing my blank expression tells him otherwise. "Okay lang ba sa iyo, Kahel?"

"Yes, pero kuya, he is—"

"Your ex?"

Napalingon ako sa kaniya. Unti-unti nang nagkakulay ang blanko kong ekspresyon.

"He mentioned that he was your boyfriend. Pero hindi naman niya ikinuwento kung bakit naghiwalay kayo. Though he made it clear that it was his fault. Siya rin pala iyong isa pang aplikante rito na tinutukoy ko. Iyong nag-aalangan akong kunin the day before you got in."

Napabuntong hininga ako. Nilingon ko ulit si Lance. He is now paying attention to the kid in the wheelchair while doing some stunts under water.

"Sabi pa niya sa akin, to ask your permission kung pwede siya rito magtrabaho," Kuya Tom added. "And if you're not comfortable with him being here, hindi na siya tutuloy."

I let out a sigh with a dash of laughter. Tinaasan ko ng kilay si Kuya Tom.

"Talaga ba kuya? May say ako sa hiring process niya."

"'Syempre wala."

We started laughing.

"Sabi ko na nga ba."

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon