Chapter XII: Redundant

1K 80 38
                                    

Kahel

REDUNDANT—a grammatical error when you use two words with the same meaning to describe or identify something. Parang si Drake, mayaman na, matalino pa, guwap—

Inalog ko ang aking ulo. Kung anu-ano na ang sinasabi ko sa panaginip ko.

I woke up to the fresh scent of expensive perfume. Iyong tipong hindi masangsang sa ilong. Kadalasan kasi ng mga pabango sa mall ay hindi ko maintindihan ang timpla. Pero itong pabangong ito, habang umiikot sa loob ng kuwarto, mas lalong nagpapaantok sa akin.

Iginala ko ang mata ko. Sa pader sa aking gilid ay nakalagay kung anong oras na.

"What the fvck! It's 9 a.m. Monday na ba?"

"It's still Sunday. Ganyan ka ba lagi tuwing gumigising, labo?"

Nakaupo na ako sa kama. Bukas ang bintana. Tirik na halos ang araw sa labas. Nakaramdam ako ginaw nang biglang mahulog ang kumot na nakatakip sa akin sa pagtulog. Napatingin ako sa aking dibdib. Napatakip akong bigla.

"Drake! Bakit wala akong damit?"

Tumatawa lang si Drake habang nakaupo sa bintana. May hawak pa itong kape na nakalagay sa mamahaling tasa habang nakatitig sa akin. Maayos na ang itsura niya. Bagong ligo at suot na ang mga damit na dinala ko kahapon.

"Ibinagay ko kay Alfred ang mga damit mo. Pinalaba ko lahat ang marumi mong damit. I noticed you hadn't taken a bath last night kaya isinama ko na."

Napatingin ako sa paligid. Malinis na ang buong kuwarto ko. Wala na ang mga tissue sa sahig. Maging ang punda ng unan ko at kumot ay bagong palit. Halatang bagong bili ang mga ito at amoy mayaman. Napatingin ako sa ilalim ng kumot. Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong suot na kahit ano.

"Pati brief ko?"

Tumango lang sa akin si gago. Nangingig pa ang tasa niya habang natatawa sa itsura ko.

"Tangina ka talaga, Drake!"

He watched me stand up, wrapped in my blanket. I tried going to my closet when suddenly I noticed something.

"Where the hell are my effing clothes?"

"Itinago ko."

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kanya. Madapadapa pa ako habang natitisod sa kumot na pinipilit kong iangat sa baiwang ko.

"Give me back my clothes, Velentino!"

I was so mad at him that I had to hold the top of his shirt with my hands. Huli na nang napansin kong nabitawan ko ang kumot ko.

"Well, hello there," saad ni Drake. Wagas ang ngiti nito habang nakayuko sa harapan ko.

Mabilis akong lumuhod. Dinampot ko ang kumot at itinapis sa buong kong katawan.

"Manyakis! Malibog! Pakialamero!"

I was shouting things at his face. He put his cup down, then started squeezing my cheeks. Napanguso ako dahil sa ginawa niya habang magkasalubong pa rin ang aking mga kilay.

"You look so damn cute when you're angry."

Tinatangka kong kagatin ang mga kamay niya na nasa mukha ko pero pilit niyang iniiwas ang mga ito.

"Wala akong isusuot, ungas!"

"Kumalma ka nga," halakhak niya. "Turn around."

Masungit akong tumalikod. Malapit sa pinto ay ang paper bag na may tatak ng kumpanya nila. Napakamot ako ng ulo. Napabuntong hininga. Muli kong hinarap si Drake pero ubos na ang enerhiya ko upang pagalitan siya.

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon