Chapter V: Middle Child Syndrome

1.4K 84 47
                                    

Kahel

MIDDLE CHILD SYNDROME— a kind of stigma. Ito ang tawag sa kadalasang nararansan ng mga middle child dahil hindi gaya ng bunso at panganay, limitado ang atensyong natatanggap namin. Napagtuunan ng atensyon ng mga magulang ko ang kuya ko noong siya pa lamang ang anak ng mga ito. Nang ipinanganak naman ang bunso namin ay nalipat agad sa kanya ang atensyon.

Sanay na 'ko. Alam ko namang pantay-pantay kami sa paningin ng mga magulang namin kahit naging ganoon ang hati ng oras nila. Minsan ay ayos din na maging middle child. I learned how to be independent. Kagaya ngayon. Nagmumukmok ako sa gitna ng campus habang pinagsisisihan ang ginawa ko sa teatro kahapon.

"Ang tanga-tanga ko," bulong ko.

"Tanga talaga," hirit naman ng katabi kong babae. Hindi ko siya pinapansin kahit buong araw niya akong binubungangaan dahil sa ginawa ko.

Nakaupo kami sa tambayan sa entablado. Presko ang hangin dito at kitang-kita ang buong soccer field mula sa kinauupuan ko. Naka-indian seat ako habang pinagmamasdan ang mga estudyante. May ibang mayayaman na ni minsan ay hindi ko nakitang nagdala ng libro. Samantalang ang iba naman, ay kulang na lang ay lunukin ang mga aklat na hinihiram nila sa library.

Tulala ako habang iniisip ang sinabi ko kay Victoria kahapon. Bigla akong nakaramdam ng kurot sa hita ko.

"Aray!"

"Buti nga sa'yo!" bulyaw sa akin ng kapatid kong si Lila. Matalim ang kanyang tingin sa akin habang nakahalukipkip sa kanan ko. "Of all the things you could have said sa date mo, iyon pa talaga, Kuya Kahel?"

"Oo na, Lila," nagngingitngit kong tugon. Panay ang haplos ko sa aking paa dahil tila bumaon ang kuko niya sa balat ko. "Hindi ko naman sinasadya. Ayaw ko lang ulit ma-bully."

"So, ikaw naman ngayon ang bully?" dagdag na sermon sa akin ni Lila. Kumuha siya ng salamin at sinimulang maglagay ng lipstick. "Minsan talaga, hindi ko sigurado kung magkapatid ba talaga tayo."

May pagkabrutal ang kapatid ko. Kulot ang kanyang buhok na kulay brown gaya ng sa akin. Balingkinitan ang kanyang katawan. Mapupula ang kanyang pisngi at matangos ang kanyang ilong. Hanggang balikat ko lamang si Lila. Mas bata siya sa akin ng isang taon ngunit sa sobrang talino niya ay na-accelerated hanggang sa naging kasabay ko na sa pag-aaral.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa mga mag-aaral sa loob ng kampus. Nakita ko si Victoria na lumabas ng library. Agad kong kinuha ang dala kong paper bag at itinakip sa aking ulo.

"Mukha kang ewan, alam mo ba?" giit sa akin ng kapatid ko. "Sino ba ang ka-date mo kahapon? Bakit ayaw mo sabihin?"

Siningkita niya ang kanyang mata. Sinuyod niya ang buong kampus at sinundan ang lugar na huli kong tinignan. Agad ko kinuha ang takip sa ulo ko at inilagay sa ulo niya.

"Chismosa!" bulyaw ko. "Sana talaga hindi ko na lang sinabi sa'yo."

Pinipilit niyang alisin ang paperbag sa mukha niya. Ako naman ay panay balik nito sa pagkakatalukbo. Nagkakapisikalan na kami sa entablado nang biglang nag-ring ang cell phone ko.

Nanlaki ang mata ko sa pangalang bumungad sa screen.

"Si Kuya Kalim, tumatawag!" nakangiti kong saad.

Mabilis na pinunit ni Lila ang paperbag sa ulo niya. Inilagay ko sa speaker-mode ang tawag ng kuya namin.

"Nag-aaway ba kayo?" bungad agad ni Kuya Kalim.

"Oo!" sabay naming sagot ni Lila. "Ito kasi, eh."

Panay ang tawa ng kapatid namin sa kabilang linya. A goofy smile dashed on the faces of me and my sister. Hindi ko na maalala kung kailan namin huling nakita ang kuya namin. Ang nakakahawa niyang mga tawa ay kinasasabikan na namin sa bahay. Maging ang ngiti niyang nakakapanatag sa tuwing tinititigan namin.

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon