Kahel
KOPFKINO—(German) meaning "head cinema". The act of playing out an entire scenario in your mind.
"Sabi na kasing huwag magpakapagod, e!"
Nakahalukipkip pa si Drake habang nakahiga ako sa kama niya. Nakatayo silang tatlo palibot sa akin. Si Drake sa kanan ko, si Matthew sa kaliwa, at si Lance naman sa paanan.
"Ilan ba trabaho nito?" usisa ni Matthew. Lumuhod ito sa kama at sinimulang haplusin ang aking buhok.
"Oist, puputulin ko iyang kamay mo." Hinawi ni Drake ang kamay ni Matthew sa noo ko. "Ang alam ko itong sa Ocean Park, tsaka ang sa SM."
"Master—" natigilan si Lance nang maalalang hindi na pala siya employed sa bahay na ito. "Drake, doon pa rin ba nakalagay ang mga gamot mo?"
"Oo. Pakuha naman, please."
Pinapanood ko lang silang tatlo. Lumabas si Lance habang si Drake at Matthew ay naghahampasan ng kamay tuwing dumidikit ang kamay sa akin ng isa sa kanila.
"Titignan ko lang kung maiinit pa siya." Muling tinangkang abutin ni Matthew ang noo ko.
"Huwag kang panay hawak, thermometer ka ba?"
"Mamaya ka na nga mag-angas, Drake. Kita mo na ngang nilalagnat 'to."
"Kukuha ako ng thermometer, huwag kang panay tsansing sa baby ko."
"Uho!" bigla kong ubo. May basang tuwalya sa noo ko at nakasuot ako ng maluwag na pajama na pagmamay-ari ni Drake.
"Ayan, tignan mo Matthew ginising mo," bulyaw ni Drake. Muli niyang akong nilingon at umupo siya sa tabi ko. "Baby, are you okay?"
Mahina akong tumango. Bagsak ang katawan ko maging ang magsalita ay hindi ko magawa.
Ngayon na lang ulit ako nilagnat nang ganito. Marahil dahil sa dodgeball kahapon kung saan nakabilad kami sa araw na sinundan ko agad ng pagbababad sa tubig sa trabaho kanina.
Ako ay giniginaw. Nanginginig ang kamay ko. Pati mga ngipin ko ay panay ang tama sa isa't isa dahil sa lamig. Balot ako ng kumot pero ramdam ko ang lamig sa kuwarto ni Drake.
"What should we do, Drake?"
"Let's take him to the hospital."
Bigla kong hinawakan ang kamay ni Drake at umiling.
"Pero, baby. Baka mapano ka kung hindi ka matitignan."
Inilingan ko siya ulit.
"Ito, pampababa ng lagnat." Bumalik na si Lance. May dala itong tray ng gamot. "Obserbahan muna natin siya tsaka tayo magdesisyon."
Pinaupo ako ni Drake sabay painom sa akin ng tableta at kasunod ay tubig.
"Hoy Lance," sabi ni Matthew ulit. "Tignan mo ang ginawa mo."
"Ginawa ko?"
"Oo, tanga! Kung hindi ka nagpakanlunod kanina, hindi sana napagod ito kasisisid."
"Sinong matinong tao ang gustong malunod, Matthew?"
"Hindi ka naman matino, huwag kang ano! Tsaka kung inayos mo iyong trabaho mo, hindi lang si Kahel ang dapat nagtrabaho kanina."
"Alam mo ikaw, sumosobra ka na."
Hinawakan ni Lance ang mamahaling trench coat ni Matthew.
Pinisil naman ni Matthew at t-shirt ni Lance at inangat ito pataas.
"Sige ipagpatuloy ninyo 'yan." Drake stood up. There was a sudden shift in the temperature in the room. Tila hindi makagalaw ang dalawa nang bigla silang harapin nito. "Kung hindi kayo titigil, papalabasin ko kayo sa building."
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon