Chapter III: Viral

2K 107 43
                                    

Kahel

VIRAL—ibig sabihin ay sanhi ng virus, madaling makahawa. Pero sa social media, iba ang ibig sabihin nito. Ito ang tawag sa ano mang bagay sa internet na trending, 'yong parang pinag-uusapan ng maraming tao.

Tahimik akong naglalakad habang kausap ang aking sarili. "Pero bakit hindi bacterial o fungal? Bakit viral ang tawag?"

Wala kasing gamot sa virus, kusa itong namamatay.

Ang tawag doon self-limiting. Tinawag na viral ang mga bagay na trending kasi kusa silang nalalaos. Mabilis silang kumalat pero kusa silang namamatay.

Napatingin ako sa poster sa medical building na dinaanan ko. May larawan ng isang lalaki na kanina ko pa tinititigan. Maputi, chinito, kahanga-hangang pagmasdan.

May mga dumaang estudyante sa aking likuran. Umalingawngaw sa aking tainga ang video na pinapanood nila. Mula nang itiinaas ni Drake ang damit niya sa counter hanggang sa kung paano niya inanunsiyo ang pagyayaya niya sa akin kahapon.

"Buwiset talaga!" pagdadabog ko.

Akmang aalis na ako nang bigla kong mabundol ang isa pang estudyante. Nagkalat ang mga dala niyang pina-xerox na papel. Ang paligid ay mabilis na nangamoy langis dahil sa tinta ng mga bagong imprenta niyang dokumento.

"Naku, sorry!" Mabilis akong yumuko upang tulungan siya sa pagpulot.

Maingat kong pinagpatong-patong ang mga papel na nakuha ko. Napunta ako sa isang sulok hanggang sa makuha ko ang pinakaunang pahina ng mga dokumentong dala niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan sa pinakaitaas.

"Kyosuke Tsubasa?" bulong ko. Mabilis na uminit ang mukha ko.

"Edknell?" tawag sa akin ng pamilyar na boses. Tinig ng isang binata na kay sarap pakinggan. Malalim at lalaking-lalaki! Parang naihi ata ako nang bigkasin niya ang pangalan ko gamit ang barako niyang boses.

Aligaga akong napatayo. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Panay ang aking lunok, tila hindi ako makahinga.

Nakatayo siya sa entrance ng hallway. Nakatulala ako sa guwapo niyang mukha na halatang may lahing Hapon. Sa likod niya ay ang maliwanag na sikat ng araw mula sa labas. Para siyang anghel na may halo pa sa ulo. Nakangiti siya sa akin habang hinihintay akong sumagot.

"Senpai?" nanginginig kong sambit. Tumayo ako nang maayos at inangasan ang aking kilos dahil hindi niya alam na isa akong —

"Kamusta ka na, Ed?" Bigla niyang ipinatong ang kanyang braso sa aking balikat. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na rito ka napasok?"

Mabilis akong yumuko. Pasimple kong kinagat ang aking mga labi. Hindi ko sigurado kung napapansin niya ba ang kutis kong malamang ay halata nang kulay kamatis.

"Sorry, Kuya Kyo."

"Bakit ka nagso-sorry?"

Lalo niyang ibinaba ang kanyang ulo upang matitigan ang mga mata ko. Sa gilid ng aking mga mata ay pangahas ko s'yang sinulyapan. Ang mata niyang sumisingkit, ang malalapad niyang balikad. Ang buhok niyang kasing itim ng gabi. Marahan kong itinakip ang mga papel na hawak ko sa aking mukha.

"Amin na nga iyan."

Maingat niyang kinuha ang mga papel mula sa akin. Umayos siya ng tayo sa harap ko. Para akong nakatitig sa isang anghel. Ang kutis niyang porselana. Ang katawan niyang pumuputok sa suot niyang uniporme. Ang makakapal niyang kilay at ang manipis niyang balbas.

"Bakit dito mo napiling mag-enroll?" usisa niya.

"Dahil sa iyo."

"Ha?"

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon