Chapter VI: Sorry

1.2K 95 57
                                    

Kahel

Sorry—isang bagay na para sa iba ay madaling sabihin. Some people admire those who always apologize, even for the smallest of things. Humble raw, ika nga. Mapagkumbaba, mabait, matured, pinalaki nang maayos at marami pang mabulaklak na salita upang ilarawan kung gaano kadikit ang paa ng isang tao sa lupa. Madali lang naman daw mag-sorry. Wala raw mawawala sa'yo.

But for me, I always see it from a different angle.

The more you use that word...

the more it loses it's value.

"Sa susunod kasi tumawag ka para mas marami akong lulutin!"

Umiiyak pa sa tuwa ang mama ko habang nagsasandok ng sinigang. Masaya silang nagkukuwentuhan ng dalawa kong kapatid. Inimbitahan namin si Kuya Kyo na saluhan kami sa hapunan. Magkatabi sina Kuya Kalim at Kuya Kyo. Sa dulo ng mesa si mama habang ako ay katabi si Lila.

"Ilang araw ka rito, Kalim?" tanong ni Kuya Kyo.

"Ilang araw mo ba gusto?"

Natawa kaming lahat sa lamesa. Nagkatinginan sina Lila at mama habang ang magkaibigan ay natigilan sa paghigop ng sabaw. Napakagat ako ng labi habang natatawa sa itsura ni Lila na sinisiko ang mama ko.

"Mabuti naman at naisipan mong dito maghapunan, Kyosuke. Hindi ka naman ba hinahanap ng nanay mo?"

"Naku, tita—"

"Ma! Minsan ko na nga lang makita itong si Tsubasa, pinapaalis mo na agad."

"Anong pinapaalis pinagsasabi mo, anak. Kung gusto mo, rito pa siya matulog nang isang linggo, eh?"

Mabilis na natigilan si Kuya Kyo.

"Isang linggo? Isang linggo ang bakasyon mo Kalim?"

"Ayaw mo ba, Tsubasa?"

Nakita ko kung paano mamula ang mukha ni Kuya Kyo. Hindi ko alam kung dahil sa init ng sabaw ng sinigang o dahil sa sunod-sunod na patutsada ng kaibigan niya.

Nang matapos kaming kumain ay kaming dalawa ni mama ang naghuhugas ng mga plato. Ang dalawang kuya ay abala sa pag-uusap sa sala na tanaw lamang mula sa lababo.

Ang mama ko ang nagsasabon at ako naman ang nagbabanlaw ng mga pinagkainan. Panay ang dungaw ni mama sa dalawang lalaki sa sala habang ako ay nakatoon lamang sa mga binabanlawan ko.

"Ed, hindi ka ba nagseselos?"

"Ma!"

"Oh, bakit? Hindi ba matagal ka nang may gusto kay Kyosuke, kaya ka nga nag Nursing, eh."

Muntikan ko nang mabitiwan ang basong hawak ko. Buti na lang ay agad kong nasalo bago bumagsak sa matigas na gilid ng lababo.

"Straight na kasi iyang si Kuya Ed, Ma."

Mula sa likuran namin ay lumabas si Lila. May nginunguya itong tsokolate na halatang ninenok niya sa maleta ni Kuya Kalim. Agad akong kumuha ng sabon sa kamay ni mama at ipinahid sa mukha niya.

"Ma! Si kuya, oh!"

"Tumigil nga kayo," saway ni mama. "Ed, kailan ka pa naging straight? Puwede ba iyon?"

"Kahapon lang, Ma!" pang-aasar ulit ni Lila. Sumalok ito ng tubig na pinanghilamos niya sa kanyang mukha. "Kagabi actually, noong sinabihan niya 'yong kapatid ni Drake na ayaw niya sa mga bakla."

Mabilis na napahinto si mama. Binanlawan niya agad ang kanyang mga kamay at hinarap ang direksyon ko.

"Kahel Edknell Robinson," kumpletong bigkas ng mama ko. "Kailan pa kita pinalaking ganyan?"

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon