Chapter XI: Labo

987 74 17
                                    

Kahel

LABO—ito ang tawag niya lagi sa akin. His own way of mocking me. Normal na kay Drake na idugtong ito sa mga sentences niya tuwing kausap ako. Ang alam ko ay ipinanganak na ako na ganito. Mas malinaw na nga ang mga mata ko ngayon kaysa noon.

Pagpasok ko sa bahay ay nakahilata si Lila sa sofa. Abala ito sa paglalaro ng cell phone niya habang nakabukangkang sa tapat ng electric fan.

Si Kuya Kalim ay nanonood ng TV. May bote ng beer sa harapan niya habang hindi inaalis ang mata sa Korean dramang minsan ko nang napanood.

Habang si Mama naman ay bumababa ng hagdan. Maingat ang mga hakbang at tila may bitbit na kung ano.

"Nasaan si Drake?" bulalas ko. Napasigaw ako mula sa pinto.

Napalingon silang lahat sa akin. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nila. Napaayos ng upo si Lila. Napakunot ang noo ni Kuya. Maging si Mama ay halos matapon na ang dala niya.

"Nasa taas, nilalagnat," sagot ng nanay ko. May hawak siyang maliit na batya na may nakasabit na basang tuwalya. "Kanina ko pa kinakatok pero ayaw akong pagbuksan."

Tumakbo ako sa direksyon ni Mama. Kinuha ko ang dala niya at inalalayan siyang pababa.

"Kumain ba siya noong sinabawan, Ma?" Inilapag ko sa lamesa ang batya.

"Oo. Nakatatlong mangkok nga siya bago siya biglang nahilo."

Kumaripas ako pataas. Sinundan nila akong tatlo ng tingin hanggang sa marating ko ang aking kuwarto.

Naka lock ang pinto!

"Drake?" kalampag ko. "Ayos ka lang ba?"

Hindi sumasagot si gago.

Sinimulan na akong kabahan. Naalala ko na naman kung gaano kabrutal si Victoria at ang maaring gawin niya sa akin sa oras na malaman niya ang ginawa ko.

Muli akong kumatok. Kinakabahan ako dahil sa maaring mangyari sa kanya at baka ipakulong pa ako ng mommy niya.

Malamig sa bahay namin. Pero sa mga pagkakataong ito ay ramdam kong namamasa sa pawis ang kilikili ko.

Pinipilit kong buksan ang kandado nang makarinig ako ng kulansing ng susi sa aking likod.

"Hala ka, anong ginawa mo kay Drake?" Nakataas pa ang kilay ni Lila. Hawak niya ang susi ng kuwarto habang inaalog sa mukha ko.

"Wala!"

Mabilis kong inagaw ang susi kay Lila. Hindi ko na siya sinagot bago ako pumasok at muling kinandado ang pinto.

Hinihingal na ako sa loob when I noticed something. Amoy chlorine sa loob ng kuwarto.

Sensitibo ang ilong ko. Ipinanganak akong ganito. Even as a kid, I could smell even the slightest burnt toast in our kitchen. Hindi ko na napansin ang amoy nang mapagtanto kong walang ilaw.

"Bakit ang dilim dito?"

Sarado ang bintana. Gabi na nang makauwi ako at patay ang ilaw. Tinangka kong kapain ang switch nang marinig ko ang namimilipit niyang boses.

"Ahh! Don't turn on the lights," saad ni Drake mula sa direksyon ng aking higaan.

"Paano kita makikita niyan?" Sa boses niya ay mukhang may masakit talaga sa kanya. Kinakabahan na 'ko. Napakagat ako ng labi. Napasabunot ako ng ulo. Marahil ay nahihiya siya sa itsura niya. Marahil ay puno na ng pantal ang kanyang balat dahil sa nakain niya. "Kamusta ang allergy mo?"

"Allergy?"

"Oo, 'di ba allergic ka sa seafood."

"Ah, eh—"

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon