Kahel
FAVORITISM—mga bagay na hilig ng isang tao. Sa katayuan ko, hilig kong matulog. Pero hindi ko magawa iyon dahil sinakup ni ungas ang buong kama ko.
I was minding my own business while sitting near the window. Abala ako sa pag-aaral dahil may pasok na naman kami sa susunod na araw. I was so focused on understanding the medications used for kidney stones when suddenly...
"Labo!" bulyaw ni ungas habang natutulog. Matapos niyang sumigaw ay sinundan niya ng malakas na hilik.
Napakagat ako ng labi. Napahampas ako ng mukha. Kanina pa siya ganito. Mula nang dumating kami mula palengke ay agad siyang nakatuog sa kama ko.
Kahit ba naman sa panaginip ay pinagtritripan niya ako?
Nilingon ko siyang saglit. Magkasalubong ang aking mga kilay. Lumulobo na ang aking pisngi dahil sa inis. Nakahanda na ang mga salitang ibubulyaw ko sana sa kanya nang bigla akong natigilan.
"Hay naku," tanging nasambit ko. Sa aking harapan ay si Drake na masarap ang tulog. Suot niya ang malaking sando na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Sa unang pagkakataon ay nakita kong nagsuot siya ng damit na hindi pumuputok ang mga biceps niya. Nakadapa siya habang yakap ang aking unan. Ang malaki niyang puwet ay nakaharap sa direksyon ko. "Kung hindi ka lang talaga gusto ng pamilya ko, pinalayas na kita."
Bumalik ako sa pagbabasa ko. Pero muli na naman siyang humilik. May pagkakataong lumalakas hanggang sa hindi ko na talaga maintindihan ang inaaral ko.
Tumayo akong saglit. Tinungo ko ang kama. Pinagmasdan kong maigi si Drake. Mula sa makakapal niyang hita na nakalabas sa manipis niyang shorts. Patungo sa tiyan niyang nakalabas dahil sa magulo niyang puwesto. Hanggang sa maamo niyang mukha na nakapatong sa unan ko na puno na ng kanyang laway—
"Drake!" bigla kong sigaw. Basa na ang puti kong unan ng laway niya. "'Yung unan ko, ungas!"
Tinang ka kong hatakin ang unan ko. Nakayuko na ako dahil buong puwersa na ang aking pagkakahila pero parang naka super glue ang mga malalaki niyang braso sa hawak niya.
"Shhh!" bulong ni Drake kahit natutulog. Bigla niyang hinatak ang unan na dahilan upang mapasubsob ako sa dibdib niya.
"Aray!" sigaw ko. Para akong tumama sa pader. Medyo malabot sa ibabaw pero may katigasan ang kanyang dibdib.
Iginala ko ang mga mata ko. Hinanap ko ang unan. Nasa kabilang bahagi na ng kama. Tatayo na sana ako nang mapansin kong hindi na ako makagalaw. Nakapulupot na sa katawan ko ang malalaki niyang galamay habang nkasubsob sa leeg ko ang kanyang mukha.
Mabilis akong nagpumiglas, "Tangina ka tala—"
"Kahel," pagputol niya sa sinasabi ko. Ito 'yung boses niyang mahinahon. Ito 'yung hininga niyang malamig sa balat. The same feeling occurs whenever we are a few millimeters apart. Parang tumatayo ang lahat ng balahibo ko. "Thank you for letting me stay in your room."
Natigilan ako sa pagpupumiglas. Ilang segundo akong nakagtulala. Nang marinig ko na ulit ang mahina niyang hilik ay pinilit kong abutin ang aking unan. Magkasalubong ang mga kilay niya habang gumagalaw ako. I slowly placed the pillow in between his arms so that he could let go of me. Nang mapalitan ko na ng unan ang aking puwesto ay kusang pumatag ang mga kilay niya.
"Baby raw," bulong ko. Natatawa ako sa itsura niya. "Baby damulag."
Napalingon ulit ako sa lamesa. Nakatiwangwang ang libro ko. Sa dami ng distraksyon sa aking kuwarto, wala akong matututunan dito. I need to maintain my grades, unlike Mr. Valentino na mabubuhay kahit walang scholarship.
Kinuha ko ang libro ko. Naiinis akong lumabas. Pumasok ako sa kuwarto ni Kuya Kalim at magpapaalam sana kung puwede sa kuwarto niya ako mag-aral. Abala siya sa pag-aayos ng gamit. Nakailang hakbang pa lang ako papasok nang may biglang lumipad na damit sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon