Kahel
NEPENTHE—(Greek) it is a term for a place, person, or thing that helps in forgetting pain, sorrow, or suffering.
Panay ang ilag nina Matthew at Drake sa bolang pinapakawalan namin ni Lance. Para silang pares na nagta-tanggo sa gitna ng soccer field. Nagliliparan ang alikabok sa kanilang mga paa dahil sa liksi ng kanilang pagtakbo.
Sa larong ito ay makakuha ng isang puntos ang taya kung tatamaan ang taong nasa gitna. Makakakuha naman ng puntos ang mga nasa gitna kung masasalo nila ang bola.
"K! What are you doing?" sigaw ni Lance mula sa kabilang dulo. "Parang wala kang kalakas-lakas."
"E, kasi—"
Sa harapan ko ay nakangiti pareho sina Matthew at Drake.
Si Matthew ay panay ang kaway at talagang itinaas pa talaga ang t-shirt niya. Kinagat niya ang dulo upang ipakita sa akin ang pumuputok nyang abs. Sa sobrang distracted ko sa ginagawa niya, hindi ko siya magawang patamaan ng bola.
"Hoy, labo! Iyang mga mata mo!" sigaw Drake. Nakabusangot ito sa direksyon ko nang mapansin minamagnet ang mga mata ko ng mga pandesal ng ka-team niya. "Time first!"
Pumito si Sir Castuera. Itinigil namin saglit ang laro. Lumapit si Drake kay Matthew at inayos ang damit nito.
"Play fair, Matthew Rodriguez!"
"Ayaw ko nga!" Muling itinaas ni Matthew ang damit nya at kinagat ang dulo nito sabay harap sa direksyon ko. "Game!"
"A, ganyan ang gusto mo ha?"
Mabilis na hinubad ng siraulong si Drake ang t-shirt niya rin.
Kasunod noon ay isang mahabang tili ng mga babaeng nakapalibot sa amin. Iyong tili na daig pa ang sirena ng ambulansya.
Tinitigan akong maigi ni Drake. Yumuko siyang bahagya para pantayan ang tagkad ko, kumindat at sabay ngiti sa akin.
Para akong naging bato. Hindi ko makilos ang katawan ko. Pinagmasdan ko ang tumatagaktak na pawis na dumadaloy sa barako niyang katawan patungo sa V-line sa ibabaw ng kaniyang shorts.
Hinawi niya ang kaniyang buhok na basa na rin sa pawis. Sa pagtaas ng kaniyang kamay ay nakita ko ang mabuhok niyang kilikili at ang pumuputok niyang biceps.
Napalunok akong bigla.
"Ano na, Robinson?" sigaw ni Sir Castuera sa sulok. "Last one minute. Kapag hindi mo sila tinamaan idi-disqualify kita. Wala ka pang puntos, hijo!"
"Opo, Sir!" Taragis na buhay ito!
"So, mamili ka ng tatamaan mo. Si Drake o si Lance," tumatawang sigaw ni Sir Castuera sa megaphone.
Peste!
Inayos ko ang tayo ko. I bent down a little and widened the base of my feet. Hinigpitan ko ang hawak sa aking bola. Inunat ko ang kamay ko patalikod upang makasagap ng sapat na enerhiya to propel the fucking ball towards one of them.
Pero hindi ako makapili.
Nakangiti silang dalawa sa harapan ko. Si Matthew ay isinabit na sa kaniyang leeg ang bandang harapan ng kaniyang damit kaya kita ko na maging and dibdib niya.
"Bahala na!"
Initsa ko ang bola patungo kay Matthew.
Bumagal ang oras. Tila lahat ng tao ay nakangiti sa pinili kong patamaan. Lumilipad ang bola sa ere na kasing bilis ng sasakyan. Tipong 50 miles per hour.
Pero sa pagkakataong iyon ay tila mas mabagal pa ito kumilos kaysa sa school registrar namin na laging masungit tuwing enrollment.
Papalapit na ang bola kay Matthew. Nakangiti lang ito na tila may iba pang kahulugan kung bakit siya ang gusto kong patamaan.
BINABASA MO ANG
Stone
Romance"Huwag mong pangunahan ang mga bituin sa langit. The universe has endless possibilities. Your fear is just a piece of dust compared to those infinite realities above us." -Kahel Book cover by Laemon